^

Pang Movies

Annabelle, naglitanya sa hiwalayan nina Manny at Jinkee!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Annabelle, naglitanya sa hiwalayan nina Manny at Jinkee!              

Nilinaw ni Annabelle Rama ang tungkol sa tsika umano na hiwalay na sina dating Senador Manny Pacquiao at asawa nitong si Jinkee.

Malapit na kaibigan ni Tita Annabelle ang mag-asawa kaya naman hindi siya nakatiis at tinarayan niya ang mga nagkakalat ng balita.

Sa kanyang Instagram post, sinabi niyang fake news ito at very much together pa rin daw ang ang mag-asawang Manny and Jinkee.

“SA LAHAT NG MARITES, TIGILAN NYO NA ANG PAG IMBENTO NG KWENTO TUNGKOL KAY JINKY NA MAG FILE NG ANNULMENT, AT KAWAWA NAMAN DAHIL BUNTIS.

“I JUST WANT TO CLARIFY SA LAHAT NG NAG TXT AT TAWAG SA AKIN KUNG TOTOO ANG CHISMIS, NO IT’S A FAKE NEWS. UNANG UNA, SA NAKIKITA KO IMPOSIBLENG MAG HIWALAY ANG MAG ASAWA DAHIL SA NAKIKITA KO ANG SWEET NILA AND HAPPY FAMILY,” paglilinaw ni Tita Annabelle.

Ayon pa sa mataray na nanay nina Ruffa and Richard Gutierrez, abala nga raw si Jinkee ngayon sa pagpapagawa ng mansion nila.

“BUSY SI JINKY SA 3HECTARS MANSION NA PINAPAGAWA NI MANNY PARA SA DREAM HOUSE NILANG MAG ASAWA AT MALAPIT NA ITONG MATAPOS,” tsika niya.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Tita Annabelle sa nagkakalat ng tsismis na mamatay na lang daw ito sa inggit.

“KAYA YUNG MGA MARITES, TIGILAN NYO NA. ALAM KO KUNG SINO ANG GUMAGAWA NG CHISMIS MAMATAY KA SA INGGIT,” ang mensahe ni Tita A.

Sa comment section ay aliw ang sagot ni Jinkee na “ang taba ko s pic nato tita.”

Pero kasunod nito, aniya, “Hayaan mo na sila God bless them!”

Pagko-quote pa niya sa isang bible verse, “Vengeance is mine i will repay, says the Lord.”

Nagsimula ang fake news sa isang YouTube channel kung saan ay ibinalita niyang hiwalay na ang mag-asawa at magpa-file na ng annulment si Jinkee.

Marami ang nag-suggest na kasuhan ang vlogger pero sa malas ay wala namang balak si Jinkee na magdemanda pa at ipinauubaya na lang niya ito kay Lord.

Paolo, inamin ang ‘biggest mistakes’ kay LJ

Finally ay umamin na rin si Paolo Contis sa relasyon nila ni Yen Santos.

Sa part 2 ng interview ni Boy Abunda kay Paolo sa kanyang Fast Tak with Boy Abunda aired last Monday, diretsahang tinanong ng King of Talk ang aktor na girlfriend na ba niya si Yen.

“Yes,” ang sagot ni Paolo.

Pero itinanggi niyang si Yen ang dahilan ng paghihiwalay nila ni LJ Reyes.

“Somehow, medyo matagal na kaming hindi ok ni LJ. Pero we were together, of course. Napapadalas ‘yung away-away and everything. I think, it’s a… kumbaga, combination na ng stress sa pandemic and everything,” paliwanag niya.

Ang pagkakamali raw niya ay hindi niya naisip ang mental health ni LJ.

“One of my biggest mistakes was hindi ko inalala ‘yung mental health ni LJ. Isa ‘yun sa feeling ko naging simula ng downfall namin. Hindi ko inisip ‘yun,” aniya.

Isa pa raw pagkakamali niya ay may mga bagay raw na hindi na niya sinasabi or ipinapaalam pa sa dating karelasyon which led to bigger problems.

Hindi na raw sila nag-uusap nang maayos that time pero nang panahon ‘yun ay hindi pa raw sila ni Yen.

Nilinaw rin niya na nang nagpunta sila sa Baguio ni Yen ay nasa US na si LJ kasama ang dalawang anak pero during that time ay talagang friends lang sila ng Kapamilya actress.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with