^

Pang Movies

Kung sila Derek sa skiing...John Lloyd, sa camping dinala ang anak nila ni Ellen

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kung sila Derek sa skiing...John Lloyd, sa camping dinala ang anak nila ni Ellen
Elias

Camping ang ipina-experience ni John Lloyd Cruz sa anak na si Elias. Kasama ang girlfiriend na si Isabel Santos at ilang kaibigan, nag-camping ang grupo sa Lambingan Hills. Nang i-google naman kung saan ang lugar na ‘yun, nasa Tanay, Rizal pala.

Ang cute ni Elias na naglalakad na may hawak na tungkod na karaniwang ginagawa ng mga nagha-hiking. Nakatingin si John Lloyd sa anak habang naglalakad ito. May mga larawan din si Elias na nagtatampisaw sa ilog kasama ang isang bata at may larawang karga siya ng isang babae at nasa tabi niya ang ama at si Isabel.

Siguradong nag-enjoy rin si Elias sa parteng iihawin ang mga kakainin nilang pork at corn at may nakita pa kaming pakete ng hotdog.

Ang suwerte nito na nae-experience ang ganitong activities na iba sa nae-experience niya kapag sina Ellen at Derek Ramsay ang kasama.

Maalalang sa bakasyon nila sa Finland, nag-skiing naman siya sa nasabing bansa.

Edu, ayaw patawag ng lolo

Ayaw patawag na lolo ni Edu Manzano na isa nang lolo sa pagsisilang ni Jessy Mendiola sa first baby nila ni Luis Manzano na si Baby Rosie. Pinost kasi ni Edu ang photos ng apo na nilagyan ng hashtag na #beautifulbaby. Marami ang nag-congratulate kay Edu sa kanyang mestisang apo.

Isang netizen ang nagtanong kay Edu kung ano ang gusto niyang itawag sa kanya ng apo. Sagot nito, “Wowo is a thought” at nag-suggest ang netizen na baka gusto niya na patawag siyang “OPA” na German word pala ng granda.

“Thank you. I actually like OPA,” sagot ni Edu at sumunod na ang ibang suggestion for Edu to consider, mga salitang lolo sa ibang bansa.

Isa rin sa nag-comment na how beautiful baby ang apo nina Edu at Vilma Santos ay ang ex ni Edu na si Rina Samson at sabi pa nga nito, “hope to meet her soon! So happy for you!” Sa sagot ni Edu na “Grabeng ganda noh! makikitang maganda ang relasyon nila ni Rina na may asawa na pala.

Paolo, kinumpara kay Dennis Padilla

Isa sa napag-usapan nina Paolo Contis at Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda ay ang kawalan ng relasyon at komunikasyon nito sa tatlong anak.

Seven years nang hindi nakikita ni Paolo ang mga anak niya kay Lian Paz at two years naman niyang hindi nakikita si Summer, ang anak niya kay LJ Reyes.

Pinayuhan siya na habang puwede pa, mag-effort siyang kitain para makausap ang mga anak dahil baka dumating ang araw na gustuhin niyang magkaroon ng relasyon sa mga anak, ang mga anak na niya ang umayaw. Kapag nangyari ‘yun, wala na raw siyang magagawa kundi magsisi.

Ibinigay na halimbawa ng netizens si Dennis Padilla na walang relasyon sa mga anak nila ni Marjorie Barretto. Hindi nito nakikita ang mga anak kaya old photos ng mga anak ang pino-post, karamihan noong mga bata pa ang mga anak. Hindi rin magawang batiin sa kanyang birthday, Pasko at Bagong Taon.

May mga nagsabi pa nga na si Paolo na ang bagong Dennis Padilla dahil sa nangyayari.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with