^

Pang Movies

Angelica, seseryosohin muna ang bagong career

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Angelica, seseryosohin muna ang bagong career
Angelica

Ang isa pang couple na hands-on parents sa kanilang unang baby na si Amila Sabine ay ang mag-partner na Angelica Panganiban at Gregg Homan.

Si Amila, now four months old, ay isinilang ng Kapamilya actress nung nakaraang Sept. 23, 2022.  Magmula noon ay silang dalawa na ang nag-aalaga sa kanilang baby at hindi ikinakaila ni Angelica na sobra umano niyang ini-enjoy ang kanyang pagiging first-time mom.

Matatagalan pa siguro bago balikan ng aktres ang kanyang acting career dahil ninanamnam muna niya ang kanyang bagong role sa tunay na buhay.

Coco, noon pa gustong katrabaho si Lovi

Ina-assure ng TV primetime king, ang lead actor, director at co-producer ng bagong action-comedy series na FPJ’s Ang Probinsyano na kung naibigan ng mga manonood ang longest-running action-drama series at sa kanyang character na si Cardo Dalisay, tiyak ding magugustuhan din nila ang kanyang bagong role na si Baldo sa TV adaptation ng isa pang classic hit movie ng yumaong movie king na si Fernando Poe, Jr., ang Batang Quiapo nung 1986 na pinagbidahan nina FPJ at Diamond Star na si Maricel Soriano.

Sa TV series ay katambal ni Coco ang biological daughter ni Da King (FPJ) na si Lovi Poe.

Ayon sa actor, director at producer na si Coco, matagal na umano niyang pangarap na makatrabaho si Lovi pero nasa bakuran pa ito noon ng GMA.

Kinu-consider naman ni Lovi na isang malaking karangalan ang makatrabaho si Coco na hinahangaan ng marami nilang mga kasamahan sa industriya.

Bukod kina Coco at Lovi, kasama rin sa bagong serye sina Charo Santos na gaganap na lola ng character ni Coco, Christopher de Leon, Sen. Lito Lapid, Cherry Pie Picache,  Mark Lapid, John Estrada, Tommy Abuel, Pen Medina, at marami pang iba.

Tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano kung saan maraming jobless actors ang natulungan ni Coco, inaasahan na ganoon din ang kanyang gagawin sa FPJ’s Batang Quiapo na nakatakdang magsimula sa Feb. 13 kapalit ng Mars Ravelo’s Darna ni Jane de Leon na magtatapos na ngayong Feb. 10.

Jak, ‘di insecure kay David

Secured ang pagmamahal ng Kapuso actor na si Jak Roberto sa kanyang girlfriend of almost six years na si Barbie Forteza sa kabila ng matagumpay na tambalan nina Barbie at David Licauco sa hit TV series na Maria Clara at Ibarra kung saan din tampok sina Dennis Trillo at Julie Anne San Jose.

Wala umanong nararamdaman na insecurity si Jak sa mainit na tambalan ngayon ng dalawa dahil alam niyang trabaho lamang ito at kaibigan nila ng karelasyon si David.

Sa darating na May ay ise-celebrate ng magkasintahan ang kanilang ika-anim na anibersaryo bilang mag-sweetheart.

Kahit matagal na ang relasyon ng dalawa ay wala pa umano sa kanilang plano ang pag-aasawa dahil pareho pa umano silang may pangarap individually na gusto nilang matupad.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with