Coco, ‘di napilit magpulitika

Coco Martin

Itinanggi ni Sen. Lito Lapid na nakainteres sa pulitika si Coco Martin.

Ito ang unang pagkakataon na sinagot ng senador na nakilala ring Pinuno sa FPJ’s Ang Probinsyano na nakumbinsi niya ang aktor noong nakaraang  election na kumandidatong senador.

Sobrang ingay noon ng usapan tungkol dito. Ang rumor kasi noon ay si Sen. Lapid ang naghikayat kay Coco na opisyal na ipinakilala ng RiteMed bilang bagong brand ambassador sa pamamagitan ng pinakabagong TV commercial (TVC) ng leading pharmaceutical brand sa bansa, na pasukin ang pulitika.

Pero naawat daw noon ang aktor ayon sa usap-usapan.

Samantala, nauna nang tinanggap ni Coco ang hamon na ipagpatuloy ang adbokasiya ng tinaguriang Queen of Philippine Mo­vies na si Ms. Susan Roces na bigyan ng kapangyarihan ang masa sa pagpili ng dekalidad ngunit abot-kayang mga gamot. 

Kapansin-pansin na sinimulan ni Coco ang nasabing TVC sa pamamagitan ng linyang: “Ang sabi ng lola ko, ‘wag mahihiyang magtanong...at hanapin ang check.” Ito ay bilang pagbibigay pugay kay Ms. Susan at pagpapaalala na rin sa kulturang Pilipino na pakikinig sa mga payo ng mga nakakatandang mahal sa buhay. 

Markado sa mga Pilipino ang asawa ng yumaong si Fernando Poe Jr. (FPJ), ang Hari ng Pelikulang Pilipino, sa kanyang mga sikat na linya sa mga patalastas sa TV at radyo na nagtataguyod ng mga abot-kayang gamot tulad ng “Bawal ang Mahal” at “Huwag Mahihiyang Magtanong.” 

Pumanaw si Ms. Roces noong Mayo 2022.

At mula pala noon, nagsagawa ng mahaba at masusing proseso ng pagpili ang RiteMed para mahanap ang “The Rite One” na papalit sa yumaong aktres. 

In all fairness kay Coco, naging bayani siya ng masa dahil sa kanyang papel sa FPJ’s Ang Probinsyano, na marahil ay isa sa pinakamatagal na soap opera sa kasaysayan ng Philippine TV, ang lumabas bilang hands-down choice. 

Iminungkahi pa pala ng aktor-direktor ang paggamit ng mga lumang taglines ni Ms. Susan para ipag­patuloy ang paghihikayat sa mga tao na gamitin ang kanilang karapatang magtanong. “Una, para hindi tayo magkamali. Pangalawa ang mga Pilipino po ay likas na mahiyain; tinuturuan tayo na may alternatibo. ‘Pag naiisip natin na ‘mahal yan,’ tinuturo sa atin ng RiteMed na may alternatibo na mas mura.”

“Maraming maraming salamat po sa pagtitiwala. Napakalaking obligasyon po itong ipinasa po sa akin,” ani Coco sa kanyang speech noong contract signing. 

Show comments