^

Pang Movies

Xian, itutuloy na ang serye nila ni Jennylyn

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Xian, itutuloy na ang serye nila ni Jennylyn
Xian Lim

Enjoy si Xian Lim sa taping ng second teleserye niya sa Kapuso network na Hearts On Ice. Kinabiliban din niya ang bagong leading lady niyang si Ashley Ortega dahil sa pinapakita nitong husay sa pag-arte at pag-figure skate.  “I think she is very dedicated when it comes to her project, this project in particular, kasi ngayon ko pa lang naman siya nakita in action. She comes to the set prepared and she knows what she is doing especially on ice,” sey ni Xian.

Inamin ni Xian na kailangan daw niyang mag-training sa pag-skate sa ice rink noong ibigay sa kanya ang project. Ikinatuwa raw niya ang suporta na bigay sa kanya ni Ashley sa na­ging training niya.

After Hearts On Ice, sunod na gagawin ni Xian ay ang nabitin na teleserye niya with Jennylyn Mercado na Love. Die. Repeat. Ready na raw kasing mag-taping ulit si Jennylyn after nitong magsilang sa baby girl nila ni Dennis Trillo last year.
“When we started Love, Die, Repeat, ‘yun talaga ang peak ng COVID. It was very strict, bawal magkita ang lahat-lahat. So I’m hoping and I’m pretty sure na once we resume mag-iiba rin ang dynamics,” sey pa ni Xian.

Lovely at Benj, nabiktima ng pinoy joy miners sa Singapore!

Nai-share ni Lovely Abella sa TikTok ang naging sorpresa niya sa kanyang mister na si Benj Manalo. Buntis na kasi si Lovely sa unang baby nila ni Benj.

Sa naturang video, ginising ni Lovely ang natutulog niyang mister para ibalita na positive ang pregnancy test niya. Sobrang natuwa si Benj dahil ilang taon na raw silang sumusubok pero parati pa rin silang positibo na balang araw ay magkakaroon sila ng baby. Kapwa na kasing may anak sina Lovely at Benj sa mga dating karelasyon nila.

Nagpasalamat ang mag-asawa sa dumating good news sa kanila. Kelan lang kasi ay nakaranas sila na maloko ng nakausap nilang buyers ng mga produkto nila sa Singapore. Ang nakakalungkot daw sa experience na iyon, kapwa Pinoy ang kausap nila na hindi sila sinipot kaya walang nabawas sa dinala nilang mga produkto. Naging biktima sila ng tinatawag na “joy miners” o ‘yung mga pekeng buyers.

Ang naging kapalit naman daw ng pangyayaring iyon ay may ibang Pinoy na nakapanood ng TikTok vi­deo ni Lovely at hinanap sila sa airport. Ito raw ang mga bumili ng mga dala nilang produkto. Pinost ni Lovely ang pasasalamat niya:

“Nagcheck in na kami, pero talaga pag-tinadhana ipagkakaloob ni Lord. Thank you, Singapore.”

Justin Bieber, naibenta na ang music catalog

Binenta na ng Canadian popstar na si Justin Bieber ang kanyang music catalog sa halagang $200 million sa Hipgnosis Songs Capital.

Kabilang na si Bieber sa mga music artist tulad nina Bob Dylan, Bruce Springsteen, Justin Timberlake, Shakira at marami pang iba na nag-cash in sa mga pag-aari nilang mga music.

Dalawa sa biggest hits ni Bieber simula noong sumikat siya ay ang Baby at Sorry. Kabilang din si Bieber sa best-selling artists of all time with 150 million records sold and songs streamed on Spotify for more than 32 billion times.

Ang Hipgnosis Songs Capital ay na-acquire ang publishing copyrights ng 290-song back catalog ni Bieber, kasama na rin ang writer’s share. Pati rin ang artist rights sa matatanggap nitong royalties mula sa songs na gagamitin in public ay hawak na ng Hipgnosis.

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with