Female celeb, nadiskubre ang panloloko at panlulustay ng mister ng kanyang pinagpagurang pera!

Isang kilalang couple ang tiyak na sasambulat ang breakup anytime soon dahil sa ginawang panloloko ng mister sa kanyang misis na lately lamang na-discover ng wife pero matagal na pala siyang niloloko ng mister gamit ang perang kanyang kinita at pinagpaguran.

Sa sobrang tiwala ni female celebrity sa kanyang mister, never niya itong kinuwestiyon pagdating sa paghawak ng pera only for her discover later na wala pala siyang perang maaasahan dahil nilulustay ng kanyang husband lahat ng perang kanyang kinikita na may kinalaman sa kanyang propesyon.

Sa mata ng ibang tao at maging sa female celebrity ay may trabaho sa pamahalaan ang lalake dahil parati itong may ka-meeting na iba’t ibang personalidad (from the government).

In fairness, maganda ang PR ng guy at marunong itong makisama kahit kanino at walang mag-iisip na meron pala itong ‘shady character’ na ultimo misis niya ay walang alam.

Dahil sikat na personalidad ang babae at hindi ito nawawalan ng trabaho hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, aakalain ng marami na maganda ang takbo ng buhay nito including a beautiful house, cars, furnitures at iba pang investments only for us to find out na hanggang ngayon pala ay nagrerenta lamang sila ng bahay at simple lamang ang kanilang mga kagamitan.

Mabait, masipag, mahusay sa kanyang propesyon at magaling makisama ang female celebrity at walang mag-aakala na sa simula’t sapul since she was a kid hanggang sa kanyang paglaki at pag-aasawa ay hindi siya naging masuwerte.

Ang suwerte at treasures niyang itinuturing ay ang kanyang mga anak maging ang kanyang karera at ang kanyang pagiging malapit sa Diyos. But she’s been mishandled and abused by some people around her.

Being a kindhearted and God-centered person, isa kami sa umaasa na makakabawi rin ang female celebrity sa panlolokong ginawa ng kanyang mister.

Sobra man siyang nasaktan maging ang kanyang mga anak, positibo ang pananaw ni female celebrity na makakabangon siya sa bagong hamon na dumating sa kanilang buhay ng kanyang mga anak.

Lovely, buntis na sa baby nila ni Benj!

After two years of being married ang trying to have their own baby, celebrity couple Lovely Abella (36) and Benj Manalo (27) are finally having their own baby dahil going seven weeks na ang ipinagbubuntis ngayon ng dancer, host, actress at entrepreneur.

Magkahiwalay na ibinalita ng mag-asawa sa kanilang Instagram account ang magandang balita na naging surprise wedding anniversary gift sa couple who celebrated their second last Jan. 23. Ang mag-asawa ay ikinasal nung Jan. 23, 2021 after almost six years in a relationship.

May tig-isang anak sa kanilang previous relationships. Hindi ikinakaila ng mag-asawang Lovely at Benj na ipinagdasal nila sa Diyos na sila’y mabiyayaan ng anak.

Show comments