COVID-19 positivity rate sa Metro Manila at 12 lalawigan sa Luzon, tumaas
MANILA, Philippines — Iniulat kahapon ng OCTA Research Group na tumaas ng 12.4 percent ang seven-day COVID-19 positivity rate sa Metro Manila at 12 lalawigan sa Luzon.
Sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, ang positivity rate sa NCR ay umabot sa 12.4% noong Disyembre 3, mula sa dating 11.1% lamang noong Nobyembre 26.
Tumaas din anila ang positivity rates sa ilang lugar sa Luzon tulad ng Bataan; Cagayan; Camarines Sur; Ilocos Norte; Ilocos Sur; Laguna; Nueva Ecija; Pampanga; Quezon; Rizal at Zambales.
Bumaba naman ang positivity rate sa Albay, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Isabela, Kalinga, La Union, Mt. Province at Tarlac. - Angie dela Cruz
- Latest