^

Pang Movies

Glaiza, pinaghahandaan ang kasal sa ‘Pinas!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Glaiza, pinaghahandaan ang kasal sa �Pinas!

Nasa shop ng designer na si Jo Rubio sina Glaiza de Castro at ang mom niya para sa fitting ng kanyang wedding gown. Sa photo na pinost ng Kapuso actress, kahit nakangiti, malungkot ang mga mata ng mom ni Glaiza.

“It’s getting real. Initial fitting of my wedding gown with none other than nanay ( na ngayon palang emotional na lol). Ang saya lang makipagbatuhan ng ideas at chikahan with @jorubio_ and I think he’s the perfect designer kasi gets niya agad ang vision ko at pareho kami ng outlook sa buhay. Sobrang nakaka excite lahat.”

Ikakasal kasi rito sa bansa sina Glaiza at asawang si David Rainey, second wedding na nila ito dahil una na silang ikinasal sa Ireland. Kaya lang, wala ang parents, siblings at friends ni Glaiza, kaya napagdesisyunan ng couple na muling magpakasal dito para makadalo ang loved ones ni Glaiza.

Wala pang in-announce na wedding date sina Glaiza at David, nabanggit lang nito na next year na ang wedding nila. Malay natin ay isabay sa birthday ni Glaiza sa January 21, 2023 ang wedding nina Glaiza at David.

Habang pinaghahandaan ang wedding, busy pa rin si Glaiza sa kanyang career. Napapanood pa rin siya sa Running Man Philippines at balik-GMA Afternoon Prime siya. Ipalalabas na ang The Seed of Love nila ni Mike Tan na mula sa direction ni Ricky Davao. Naabutan ng pandemic ang serye, kaya hindi agad naisalang.

Rabiya, pinayuhang ‘wag maging patolera

Paboritong i-bash at i-bully online si Rabiya Mateo. Para bang lahat ng kilos at sabihin ng co-host ng TiktoClock, may say ang netizens. Ang iba nga, mema lang, as in, may masabi lang at makisawsaw sa isyu.

Nitong nagdaang mga araw, dalawang isyu ang ibinato kay Rabiya. May tumawag sa kanyang pangit at sa halip na magalit, humingi ng pasensya sa napangitan sa kanya.

Ang latest issue na ibinato kay Rabiya na “she looks cheap” sa TikTok, sinagot siya ni Rabiya na nakangiti pa rin.

“You know what, madam, miss, or hindi ko alam kung paano kita i-a-address, you can be the most expensive-looking person, but if you’re mean or rude, or the way you think or talk to people is not right, I don’t think or talk to people is not right, I don’t think na I want to be somebody like you.”

May pahabol pa si Rabiya, dapat daw maging good example siya sa social media, lalo’t may edad na siya.

May nagpayo kay Rabiya na dapat hindi na niya sinasagot o pinatulan ang mga bully at bashers online dahil online lang sila matatapang. Dapat daw bina-block na lang niya ang mga malungkot ang buhay. May pumabor naman sa ginawang pagpatol ni Rabiya lalo na kung seniors na ang basher at bully.

vuukle comment

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with