Selfie ni Nova, ‘di nalimutan ni Coco

Sinulit ni Coco Martin and company ang kanilang FPJ’s Ang Probinsyano thanksgiving concert sa ilang bahagi ng Amerika inclu­ding Los Angeles, California at Hawaii sa harap ng ating mga kababayan na doon na naka-base para makapag-shoot ng mga eksena para sa kanilang Metro Manila Film Festival movie entry na Lab­yu with an Accent kung saan tampok sina Coco at Jodi Sta. Maria.

In between their concert tour ay doon isingit ang shooting ng kanilang movie kung saan may special guest appearance sina G. Toengi, Donita Rose at iba pa.

Masayang-masaya ang actress-comedienne na si Nova Villa na finally ay nakatrabaho niya sa pelikula si Coco.

Aminado siya na big fan umano siya ni Coco at noon pa umano niya pangarap na makatrabaho ang actor-director.

Sa isang wake na parehong dinaluhan nina Coco at Nova ay hindi umano nawala ang kanyang pagiging fan ng actor kaya nagpakuha umano siya ng litrato.

Hindi pala ‘yun nakalimutan ni Coco kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon ay isinama niya sa kanyang MMFF movie si Nova na tuwang-tuwa dahil natupad umano ang kanyang pangarap. Although kaunti lamang ang kanilang eksena ni Coco dahil siya (Nova) ang tumatayong lola ng character ni Jodi, natutuwa pa rin umano siya dahil kinunsider umano siya ni Coco na mapasama sa movie niya.

 Although mas madalas ngayon mapanood si Nova sa GMA, she spent 38 years with ABS-CBN kaya natutuwa rin umano siya na nakabalik siya sa bakuran ng Kapamilya network.

Boss Vic ng Viva, wala pang balak magretiro

Si VR del Rosario ang siyang namamahala sa Viva Foods business ng Viva kung saan ang tumatayong Chairman and CEO ay ang kanyang ama na si Boss Vic del Rosario, Jr.

Although very much active pa si Boss Vic sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo under Viva Group of Companies, he already delegated specific functions sa kanyang mga anak na sina Vincent, Veronique, Valerie at VR maging sa mga apo ni Boss Vic sa kanyang panganay na si Vincent.

Si Vincent ang tumatayong president ng Viva Communication, si Veronique bilang president ng Viva Artists Managements, si Valerie bilang head sa production habang si VR naman ang head sa Viva Foods.

Ang magandang training ni Boss Vic sa kanyang mga anak at mga apo ay isang magandang indikasyon na pagdating ng panahon na kailangan na niyang bumaba sa puwesto bilang Chairman at CEO ay kaya nang patakbuhin ng kanyang mga anak at mga apo ang kanilang iba’t ibang kumpanya.

At 77, wala pa sa immediate plans ni Boss Vic ang magretiro sa kanyang trabaho bilang isang magaling na negosyante.

Show comments