^

Pang Movies

Actor-producer, nadismaya sa direktor

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Inayawan na pala ng actor-producer ang isang director na makatrabaho.

Nung makatrabaho ng actor ang director, bumilib siya sa mga idea nito pagdating sa direksiyon pati na rin inputs niya sa kuwento.

Pati nga movies na nagawa ng director, hinangaan ng aktor. Pero nung makatrabaho na niya at makita ang produkto, nanlumo siya dahil hindi naipakita sa movie ang ipinagmalaki sa kanya ng director.

Kaya naman kahit wala namang isyu sa nangyari ang aktor at director, maayos pa rin silang nagkakasama sa trabaho pero professionalism na lang ang ginagawa ng actor sa ipinagagawa ng director sa kanyang mga eksena.

Juliana, sinundan ang yapak ni Goma

Proud father ang actor-politician na si Richard Gomez dahil sa tagumpay ng anak na si Juliana Gomez sa larangan ng larong fencing!

Ipinagmalaki ni Cong. Richard ang panalo ni Juliana sa nakaraang Thailand Open Fencing. Saad ng kongresista, “May you bring more honor to the Philippines.”

Of course, ang sports na fencing ang kinahiligan din ni Cong. Richard at nakapaglaro na rin siya sa iba’t ibang kumpetisyon sa ibang bansa.

Hindi man namana ni Juliana ang pagiging aktor ng ama, at least, nasundan naman ang yapak nito pagdating sa sports lalo na sa fencing!

RICHARD GOMEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with