^

Pang Movies

Dimples, tumanggi sa pelikulang tomboyan   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dimples, tumanggi sa pelikulang tomboyan            

Inamin ni Dimples Romana na nagkaroon na rin siya ng offer na girl to girl movie or GL (girls’ love story) na may intimate scenes pero tinanggihan niya not because ayaw niya sa tema kundi nararamdaman daw niya na hindi pa siya handa.

Dumating daw ang offer sa kalagitnaan ng pandemic at siyempre, bilang respeto sa asawa niya ay kailangan niya muna itong ipaalam or sabihin. “Ako, as an actor, sa totoo, I’m always very curious. Always. Kasi ano ‘yan, eh, sakit ng artistang tumanda na sa industriyang ito. May ganu’n ako. ‘Yung parang nag-i-itch ka, ‘kaya ko ba ‘yung gawin?’ Parang ‘magagawa ko ba ‘to?’,” kwento ni Dimples sa mediacon ng My Father, Myself.

But she had to beg off dahil hindi raw niya pa nararamdaman talaga sa puso niya na handa na siya sa paggawa ng ganitong klaseng role.

“Kaya ang taas ng respeto ko kay Sean at kay Jake, kasi it takes a lot of heart and guts to follow through that kind of scene. Kailangang buong-buo ang loob mo bilang artista. At that time, talagang hinang-hina pa ang loob ko,” aniya.

Si Sean de Guzman at Jake Cuenca ang tinutukoy ni Dimples na co-star niya sa My Father, Myself, kung saan ay may torrid kissing scene ang dalawang aktor.

Hindi raw sa wala siyang tiwala sa direktor na nag-offer sa kanya dahil sobrang trusted daw niya ito at itinuturing niyang nanay-nanayan. Siya raw ang may problema talaga dahil hindi siya sure kung kaya niya itong i-deliver.

“So, until such time that I feel it in my heart that I can handle and deliver the job with much gusto, then I will say yes. I’m not closing any doors. I’m super for it.

“Lalo na, again, this is a story of love. Who am I to judge at that kind of love?,” sey pa niya.

“I have respect for all kinds of love. Sabi nga, ‘di ba, genderless ang pagmamahal,” pahabol pa niya.

Direk Joel, tanggap na ‘di pang-wholesome ang kanyang pelikula

Dahil mabigat ang tema ng My Father, Myself ay nabigyan ito ng MTRCB (Movie and Television Review And Classification Board) ng R-18 ratings. So, hindi ito maipalalabas sa lahat ng SM Cinemas na matagal nang policy ng SM Group.

Siyempre, medyo nakakalungkot ito on the part of the whole production team lalo na nga sa producers because admittedly, malaking bagay talaga ang SM Cinemas nationwide sa gross ng pelikula.

Ayon kay direk Joel Lamangan, inilaban niya talagang maging R-16 ang rating ng pelikula.

“Sa MTRCB, nang pinanood nila, ang tingin nila ay napakaganda ng pelikula pero napadelikado ng tema,” pahayag ni direk Joel.

“Napakadelikado ng tema, nagpakita ako ng love scenes ng bakla, delikado raw ang tema. Sa kanilang persepsyon, ‘yon ang pang-adult. Sa persepsyon ko, ‘yun ay pang-hindi gaanong adult, R-16. Magkaiba ang persepsyon (namin).

“Syempre, inilaban ko. Nagtalaktakan kaming lahat. Sa kahuli-hulihan, syempre, talo ako. Sila ang nanalo. Umuwi akong talo,” kwento ng award-winning director.

“Hindi ako nakalusot sa aking pagpapaliwanag,” sey pa niya.

Tinanggap niya na lang daw syempre ang desisyon ng MTRCB at naiintindihan naman daw niya ang stand ng board.

Nagsalita rin ang mga producers na sina Len Carillo, Bryan Dy, Win Salgado, Jumerlito Corpuz at Nicanor Abad sa kanilang nararamdaman at anila ay respetado naman nila ang desisyon ng MTRCB. Bagama’t walang SM Cinemas ay marami pa rin naman daw tayong ibang mga sinehan nationwide.

“There are a lot of cinemas that are actually calling us para ipakita po ang ating pelikula at kami po ay natutuwa doon. This film deserves na ipakita sa lahat,” pahayag ni Bryan.

DIMPLES ROMANA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with