^

Pang Movies

Marian, kumapit sa Tadhana!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Congratulations to Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, dahil today, Oct. 8, ay limang taon na ang Tadhana. Kaya buong puso ang pasasalamat ni Marian sa mga walang sawang sumusubaybay sa kanya at sa programa sa loob ng limang taon. Bilang pasasalamat, handog nila ay isang three-part anniversary special na mapapanood simula ngayong Oct. 8, 15 at 22.

“Totoo namang hindi laging masaya – may mga kuwento ng pagkabigo, mayroon ding tagum­pay. Mayroon ding nagbibigay-inspirasyon at maraming pagkakataon,” wika ni Marian. “Ang importante, sa huli, laging may gintong aral na makukuha at mas nagpapalakas sa atin. Hindi man laging masaya ang buhay, mas malakas, mas matatag, at mas matatapang naman tayo ngayon sa anumang hamon ng buhay. Kaya saan man kayo dalhin ng Tadhana, kapit lang, Kapuso.”

Nagpasalamat din si Marian sa 8 million followers ng show sa Facebook at last month, umabot na ito sa 21 million and online views sa Facebook, at isa sa mga pinakasinusubaybayang local TV show.

Anniversary offering ng Tadhana ang Baliw na Puso na magtatampok kina Raymond Bagatsing, Vaness del Moral, Lianne Valentin at Mylene Dizon, directed by Rommel Penesa. Mapapanood ito at 3:15 p.m. sa GMA 7. May live streaming din ito sa GMA Public Affairs social media accounts at para sa mga Kapuso abroad, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV.

Bea, ‘di malimutan ang revelation scene nila ni Alden

Nasa GMA Pinoy TV anniversary show sa US si new Kapuso actress Bea Alonzo, nang magkaroon ng world premiere ang first teleserye niya sa GMA Network, ang Philippine adaptation ng Korean drama na Start-Up Philippines, kaya pagbalik lamang nila sa bansa niya nalaman na big success ang showing nito. “When I came back, I was told that it is rating well and the feedbacks on the net is all very positive, so parang back-to-back happiness ang natanggap ko.  Masaya ako na sa series, nakatrabaho ko hindi lamang sina Alden Richards, Yasmien Kurdi at Jeric Gonzales, but with the senior stars like Gina Alajar, Jackie Lou Blanco, Ayen Laurel, na ang sarap nilang kakuwentuhan sa set.”

Marami nang naitanong kay Bea tungkol sa bago niyang serye, pero ang gusto niyang mapanood ng audience ay ang memorable scene na ginawa nila ni Alden. “Ito iyong revelation scene kasi it’s the peak of the story. We shot it sa ulanan nang buong araw, from 5 a.m. to 7 p.m., kaya dapat itong abangan ng atin.”

Naka-line up na ang mga susunod na projects ni Bea, a movie under Erik Matti, iyong movie ring dapat nilang gawin ni Alden sa Viva Films, at isa pang movie for GMA Films na magiging reunion movie nila ni John Lloyd Cruz. Malamang ding mag-guest si Bea sa sitcom ni John Lloyd sa GMA 7, ang Happy ToGetHer dahil gusto raw niyang magpatawa naman.

MARIAN RIVERA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with