^

Pang Movies

Kilalang pulitiko, na-in love noon kay Carla Abellana

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Kilalang pulitiko, na-in love noon kay Carla Abellana
Carla

Wow may nakakitang nakikipag-date na si Carla Abella.

Sa isang rich politician ayon sa isang source.

Pero ‘di raw pala ito ang first time na niligawan si Carla ng isang mayamang pulitiko.

Na-in love na raw dati sa actress ang isang rich politician din na may pamilya na ngayon.

Pero ‘di raw naging sila.

Sa ngayon ay divorced na sila ni Tom Rodriguez pero sa Amerika pa lang ‘yun. Sa Pilipinas ay hindi pa approved ang kanilang annulment.

Samantala, galit si Carla sa nangyayaring horse fighting. “I’ve been desperate to speak against horse fighting (and since been actively campaigning against ALL other types of animal fighting) since i found out years ago that it sadly exists in our very own country.

“Why make animals fight against each other, suffer tremendously, and likely die in the process, just so you can excuse it under the guise of “tradition” or “entertainment”? Or so you can gamble your money away? “I, Carla Abellana, stand behind Animal Kingdom Foundation’s fight against horse fighting and ALL forms of animal fighting,” mahabang pahayag niya nang i-repost ang tungkol sa horse fighting na isang labag sa batas.

Nagaganap pala ang horse fighting sa Saranggani province na tinuturing na isang entertainment doon.

Ito ay bilang pakikiisa na rin ni Carla sa World Animal Day (Oct. 4) kung saan nagkaroon three-day horse fighting activity sa Glan, Sarangani Province.

Heart lumabas na sa Bling Empire, ‘di nauubusan ng trabaho

Finally, napanood na si Heart Evangelista sa Bling Empire Season 3, episode 9.

Matagal nang nag-shoot si Heart para sa sikat na Netflix series na pinagbibidahan ng mga crazy rich Asian.

“Bling on Netflix in about 30ish minutes ?:) see you,” tweet niya.

Pinasalamatan naman ni Heart ang dalawa sa mga bida ng Bling Empire na sina Kane Lim and Kelly Mi Li.

Nag-story rin si Kane na “You asked for it, you got it. Guess who will be Bling Empire s3. Tune in tonight (kagabi). @iamhearte let’s go.”

Todohan na talaga ang international career ni Heart habang ang iba, wala na halos maisip na topic sa vlog nila.

“It was a fun cameo. Thank you Bling Empire for the sweetest party to Kane and Kelly you are angels,” tweet niya pa.

Paulo, pinagdarasal si Janine

“Ok naman, nag-uusap. Lumalabas pa rin,” sagot ni Paulo Avelino nang kumustahin sa kanya si Janine Gutierrez pagkatapos ng finale media conference ng Flower of Evil na nakatakdang magtapos this week.

Anong birthday gift mo sa kanya?

“Siguro ang regalo ko sa kanya, prayers and good health. Hindi pa siya nagse-celebrate nang buo, eh. So makikita natin ‘pag may party na,”  paliwanag pa ng actor na matagal nang sinasabing may relasyon sa actress.

Anong birthday wish mo para kay Janine?

“Even busier and better career this latter end of 2022 and 2023.”

Samantala, napahanga si Paulo sa naging performance ni Piolo Pascual sa Flower of Evil.

“Na-amaze ako kay Papa Pi dahil kakaiba rin talaga ‘yung binigay niya dito. Napadali rin ‘yung trabaho dahil sa kanya.”

 Pero kung ang iba ay adik sa Korean drama, hangga’t maaari naman ay original story ang gusto niyang gawin.

“Hindi masyado but I watch a lot of Asian movies, Korean, Japanese, Taiwanese, Thai. Marami naman akong pinapanood na mga pelikula but what got me is knowing that it’s collab also between Dreamscape and Viu. And aside from that, the character is really challenging. I know it’s not the first time that you’ve seen me play someone mentally deranged. The hardest part was trying to figure out how to make it different from everything I’ve done before,” aniya sa ginampanan niyang role.

JM, pabebe kay Donnalyn

Maraming nalabuan sa caption ni JM de Guzman tungkol sa kanila ni Donnalyn Bartolome.

Pabebe pa raw ito.

Pinasalamatan niya kasi ang sexy star / vlogger sa ibinigay nitong kaligayahan sa kanyang birthday kaya suwerte raw ang magiging boyfriend nito.

Medyo confusing daw.

“Salamat sa pagbati sa bumati at babati palamang.

“Ako ay lubos na nagalalak sa mga dumayo sa aking kaarawan. salamat sa bumati at babati palang. di ko inakala na makikita ko ng live mag perform ang aking mga iniidolo na sina @loonie­verse @smugglaz.187 @shehyeeongkiko anygyma at boss bullet.

“kayo ang mga inspirasyon ko at hanga ako sa inyong mga talento.

“@donna may ginintuan kang puso para mabigyan mo ako ng pagkakataon na lumigaya. hindi pa ako nasorpresa ng ganito at lubos ang aking ligaya. napaka buti mong tao. sobrang swerte siguro ng magiging boyfriend mo.”

Kaya advice kay JM ng ibang followers niya, ‘wag nang magpatumpik-tumpik at ligawan na agad kung ‘di pa sila.

O kaya’y ilantad na kung sila ba talaga.

CARLA ABELLANA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with