^

Pang Movies

Bea at manager, mahilig mag konsulta sa lawyer?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bea at manager, mahilig mag konsulta sa lawyer?!
Bea at Alden

Mag-consult kaya sa lawyer nila ang talent manager na si Shirley Kuan at alaga nitong si Bea Alonzo kung bakit hindi mukhang fresh si Bea sa Start Up PH?

Mukha talagang mas fresh at bata si Alden Richards kahit saang anggulo kaya para silang mag-tita. At least younger sa lola, hah hah hah.

Baka sobrang pagod na sa pag-consult sa lawyer kaya mukhang haggard at matanda si Bea. To think na dapat new graduate siya na naghahanap ng trabaho sa nasabing local adaptation ng sikat na Korean drama.

Pag katabi niya nga si Yasmien Kurdi mukhang batang-bata si Yasmien kaya lalo tuloy nagmumukhang tuyot at losyang si Bea.

At pag kasama niya si Alden sa eksena, mas lalo pa tuloy gwapo ang Alden.

Talagang hindi lawyer ang dapat consult ni Shirley, dapat magic make-up artist at bonggang stylist para sa image building ng kanyang alaga.

Saka bakit kailangan consult ang lawyer eh ang dapat lang naman magmukhang maganda at ‘di kailangan ang magtatanggol sa korte.

Kaloka naman.

Dahil lang diyan cancel na agad sa presscon ng Beautederm, sobra naman power tripping, hayan tuloy, hindi na-promote masyado iyon product kaya hindi gaanong umandar sa market, sayang, number 1 pa naman ang Beautederm.

Nega kasi iyan pa-cancel na ginawa ng team Bea, walang mangyayari sa power play nang hindi naman box-office at top rating star.

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with