^

Pang Movies

John Lloyd tinalikuran na ang pagsakay sa Jeep, sa London na namamasyal!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
John Lloyd tinalikuran na ang pagsakay sa Jeep, sa London na namamasyal!               
John Lloyd

Natatawa at natutuwa kami nang makita namin ang picture ni John Lloyd Cruz, na nagtungo pala sa London para manood at subaybayan ang Laver Cup. Iyan ang pinakamalaking tennis tournament ngayon sa buong mundo na ginanap sa 02 Arena sa London. Bagama’t mapapanood naman iyan sa telebisyon, iba nga naman ang excitement kung mapapanood mo nang live, at kung may kakayahan ka namang magtungo sa London para manood bakit nga ba hindi. Kasama raw ni John Lloyd ang kanyang girlfriend ngayon, ang painter na si Isabel Santos.

Talagang natutuwa kami. Kasi hindi ba noong mga nakaraang panahon, ang mga makikita mo sa social media ay nasa tabing kalye si John Lloyd at kumakain ng streetfoods. Minsan naman may nagsabing nakita siyang nakasakay sa isang pampasaherong jeepney sa may UP. Tapos ang hitsura pa noon ni John Lloyd talagang off form. Isipin ninyo, ilang taon din siyang hindi nagtrabaho samantalang naghihintay sa kanya ang isang magandang career.

Ngayon, hindi ba ang layo ng dating niya dahil makikita mo siyang disente, pogi, sikat at ngayon naglalakwatsa pa sa London. Napakalaking pagbabago. Ngayon hinaharap na rin niya ang kanyang career. Hindi lamang iyon pagkakakitaan para sa kanya, kasiyahan din naman iyon ng fans niya at malaking tulong sa industriya.

Isipin ninyo, isang box-office star na gaya ni John Lloyd kung nakaistambay lang at hindi gumagawa ng kahit na anong project?

Richard, bibida na ulit

Natutuwa rin kami dahil finally binigyang muli ng lead role sa isang serye ng ABS-CBN si Richard Gutierrez. Simula nang pumasok siya sa ABS-CBN, supporting roles lang ang nakuha niya. Alam ng network ang potentials niya, pero siyempre naiilang pa rin sila dahil alam ng lahat na sumikat nang husto si Richard bilang leading man sa kalaban nilang network.

Isipin ninyo noon, malaki na ang problema ng GMA 7, ginawa nila iyong Mulawin at nakabangon ang network. Inaamin kahit ni Charo Santos na pinahirapan sila ng Mulawin, at may panahon daw na gusto na niyang mag-resign dahil hindi nila matalo iyon. Kaso si Richard nga, biglang nag-asawa, nagkaroon ng anak at ilang panahon ding napabayaan ang career.

Nang magbalik siya naiba na.

Pero naniniwala kami na kayang-kaya ni Richard na makipagbakbakan sa ratings. Marami pa siyang fans, ang kailangan nga lang bigyan siya ng tamang project at tamang push para makabalik sa dati niyang status bilang actor.

Mga programang flop, pinapa-trend na lang sa social media

Napagkuwentuhan nga namin noong isang gabi ang TV shows na basta bagsak ang ratings, ang sinasabi nila ay “trending iyan sa social media.”

Bakit nga ba ang pagte-trend sa social media ang ginagamit nila kung mababa ang audience share nila sa telebisyon, eh sinasabi naman nilang television station sila, hindi naman social media page.

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with