^

Pang Movies

Barbie nag-aral ng Spanish!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Barbie nag-aral ng Spanish!                
Barbie

Masayang nagkuwento si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ng mga paghahanda nila ng buong cast ng upcoming historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra, sa pangunguna nila nina Dennis Trillo at ang best friend niyang si Julie Anne San Jose.

Ayon kay Barbie, October 2020 pa na-conceptualized ang project at natuwa siya na itinuloy ito GMA sa kabila ng Covid-19 pandemic, para maiparating nila sa audience kung ano ang nilalaman ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, mga nobela ni Dr. Jose Rizal.

Bilang paghahanda, bago sila nag-taping, nagkaroon sila ng classes ng Spanish language, dahil ito ang gamit noong mga panahong iyon na sakop ng mga Kastila ang Pilipinas.

Pinag-aralan din nila ang tamang pagbigkas ng Tagalog words at kung paano kumilos ang mga tao noon. Mayroon din silang historian na consultant nila sa mga eksena. “First time ko rin pong ma-experience ang lock-in taping, nakaka-homesick,” kuwento ni Barbie. 

“One month akong walang kasamang pamilya, pero nakabuo ako ng isang bagong pamilya at naging matibay ang aming relasyon.”

Ayon naman kay Dennis, naranasan nila ang mga kalamidad sa taping tulad ng bagyo, inabutan din sila ng lindol habang nagsu-shoot ng mahabang eksena, nakita na lamang nilang gumugulong na ang mga kamera nila.

Sa Monday, October 3, world premiere na ng Maria Clara at Ibarra at mapapanood ito at 8PM, pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, hindi pa pala tapos ang mga eksena ni Rocco Nacino as Elias sa sa nasabing serye pero in two weeks time ay naka-schedule nang mag-give birth ang wife niyang si Melissa Gohing, ng baby boy nila. 

Excited daw siya, pero naibigay na raw niya ang oras niya sa taping nila, kaya kabadong-kabado raw siya. 

Kaya humihingi raw siya ng tips sa dalawang bagong tatay, na sina Dennis Trillo at Juancho Trivino (na gumaganap na si Padre Salvi). 

Lalong excited ang mga netizens sa GMA Afternoonn Prime na Abot Kamay Na Pangarap  ngayong si Jillian Ward na ang gumaganap na Analyn Santos, at kahapon ay lalong tumaas ang rating ng serye dahil nag-graduate na in flying colors si Analyn, isa na siyang doctor, sa katuwaan ng inang si Lyneth (Carmina Villarroel).

Sinundan ito ng Return To Paradise nina Derrick Monasterio at Elle ­Villanueva. Kahapon din nag-world premiere ang Nakarehas na Puso nina Jean Garcia, Leandro Baldemor at Michelle Aldana.

BARBIE FORTEZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with