^

Pang Movies

Sen. Bong, nakiusap na ‘wag munang husgahan si Vhong

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Sen. Bong, nakiusap na âwag munang husgahan si Vhong
Vhong at Tanya

Grabe mukhang mahaba pa talaga ang tatakbuhin ng kaso ng komedyanteng si Vhong Navarro.

Inihahanda na raw ang kampo ni Deniece Cornejo sa pangunguna ni Atty. Ferdie Topacio ang contempt charges matapos ngang maglabas ng damdamin sa media ang misis ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista-Navarro.

Ayon kay Atty. Topacio : “Now preparing contempt charges against Atty. Alma Mallonga and Vhong Navarro’s wife for making statements that are sub judice in nature. We will not sit idly by while some people again make a mockery of justice by having another trial by publicity,” mensahe nito sa Viber.

At nang tanungin ko kung kelan ito : “Asap. We are just collating all their public pronouncements that are sub judice. We are also contemplating fil­ling disciplinary action against Atty. Mallonga.”

As of this writing ay wala pang sagot ang kampo nila Vhong at  Atty. Mallonga tungkol dito.

Pero ang isa pang nag-aapela ay si Kat Alano na nakakatanggap ng matinding bashing sa kasaluku­yan sa paglalantad na nagahasa siya bagama’t hindi niya pinapangalanan kung sino ang may kagagawan nito : “Ang daming galit. Binayaran daw ako, laos na daw ako, sawsawera. 8 years na ako nagsasalita. Puro bashing lang ang natanggap ko. Sa tingin niyo worth it magsalita para inaabuso ako ng mga fans niya? Sa tingin niyo lalaban talaga ang ibang victims pag nakita nila ugali niyo!”

Samantala, natanong naman kay Sen. Bong Revilla, kung anong masasabi niya o may payo ba siya kay Vhong dahil maaalala ring nakulong noon si Sen. Bong.

“Kung talagang ginawa niya ‘yon, makikita naman ng korte ‘yan, pananagutan n’ya ‘yon. Kung hindi naman niya ginawa, that is so unfair for him na magdusa siya sa kulungan nang wala siyang kasalanan. Kaya I just hope na mapabilis ‘yang pag-resolve ng kaso na ‘yan, whether guilty or not. Pwede naman ipa-fast-track ‘yung hearing n’ya.

“Pero how many years na ‘yan, tagal nang pinag-uusapan ‘yan. Nandu’n  pa ‘ko sa loob ng Crame, issue na ‘yan,” komento ni Sen. Bong na ingat na ingat sa sasabihin.

“Ang sa ‘kin lang, mabigat magbatuhan ng putik. Hindi natin alam kung ano talaga totoo d’yan. Kaya ang masasabi ko lang, kung talagang walang kasalanan, dapat matapos na ‘yan. Kawawa naman ‘yung tao magsa-suffer nang walang kasalanan. Pero kung talagang nagkasala siya d’yan dapat harapin niya ‘yon,” sabi pa ng senador na magse-celebrate ng kanyang 56th birthday sa Sept. 26, Sunday.

Belle, trending na trending sa Seoul Drama Awards

Ganda-ganda ni Belle Mariano nang rumam­pa sa Seoul International Drama Awards 2022.

Kahapon nga ay tinanggap ng He’s Into Her star ang Outstanding Asian Stars award sa ginanap 17th Seoul International Drama Awards 2022 na ipapalabas nang live kahapon mula sa Korea kaya ang daming nakapanood.

Si Francis Libiran ang may gawa ng suot niyang half-Filipiniana gown.

Matapos ang isang buwan na botohan ng global fans sa Idol Champ application, tinanghal nga ang Kapamilya actress bilang Philippine winner kasama ang apat pang Asian artists. 175 na mga aktor at aktres galing sa Japan, China, Thailand, Taiwan, at Pilipinas ang nominado para sa parangal na ito. 

Inorganisa ng Seoul Drama Awards Organizing Committee at Korean Broadcasters Association ang Seoul International Drama Awards, kasama ang Ministry of Culture, Sports and Tourism, Seoul Metro­politan Government, at iba’t ibang Korean broadcast stations.

Isa itong prestihiyosong drama festival na pinagsasama-sama ang television drama productions sa iba’t ibang panig ng mundo upang mapalago ang cultural diversity.

Number trending agad kahapon si Belle na hashtag na #BelleOutstandsAtSDA2022 #BelleMariano #SDA2022 #SeoulInternatio­nalDramaAwards2022

Joross at Roxanne, magkakaanak na!

May market pa talaga ang mga kumbaga ay mga throwback artist. Imagine, umabot na sa three times the fun at kilig ang handog nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap sa pag-welcome nila ng kanilang unang baby sa season 3 ng iWantTFC original series na Hoy, Love You.

Samantalang kung tutuusin, pareho na silang may pamilya, pero marami pa ring kinikilig.

Mapapanood ito nang libre sa iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com) ngayong Setyembre 30. Libre rin ang lahat ng episodes ng seasons 1 at 2 na available pa rin sa iWantTFC. 

Tatakbo ang kuwento: sabik na sina Jules (Joross) at Marge (Roxanne) na madag­dagan ang kanilang pamilya ngunit masusubukan ang kanilang relasyon nang malaman nilang maselan ang pagbubuntis ni Marge.

Kahit na nahihirapang pagsabayin ang trabaho at pamilya, gagawin naman ni Jules ang lahat para alagaan ang kanyang misis. 

Madadagdagan ang problema ng mag-asawa dahil kay Richard (Dominic Ochoa), ang ex ni Marge na magiging kakumpetisyon din ni Jules sa bago niyang negosyo. Bukod sa pangingialam ni Richard, makikisawsaw din sina Elizabeth (Carmi Martin) at Malu (Keanna Reeves), ang mga nanay nina Marge at Jules, dahil pagtatalunan nila ang mga pamahiin sa pagbubuntis ni Marge.

VHONG NAVARRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with