^

Pang Movies

‘Di tulad nung nasa Star Magic...Bea, naiba ang Aura?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
�Di tulad nung nasa Star Magic...Bea, naiba ang Aura?!
Bea

Naku, Salve, dahil mahilig kang gumaya sa mga Koreanovela, isa sa gusto kong gayahin mo ­‘yung piggy back ride, hah hah. Bongga, ‘di ba! Kaya naisip ko, ‘pag piggy back ride ni Alden Richards si Bea Alonzo, hindi kaya masira ang likod ni Alden at makuba siya sa bigat ni Lola Bea Alonzo?

Bakit kaya mukhang has-been na si Bea at walang ningning, aside from mukha siyang matanda kesa kay Alden? Bakit naging ganu’n hitsura ni Bea Alonzo? Ok naman siya nang nasa Star Magic siya, bakit parang naiba ngayon ang aura niya? Parang hindi active ang Team Bea niya para bigyan siya ng magandang image at ilapit siya sa press para magkaroon ng ningning.

Sa ngayon, lalo na nang makita ko ang photos ng Start-Up PH parang kung ‘di lang dahil kay Alden at Yasmien Kurdi, parang hindi glossy dahil nandu’n si Bea Alonzo at mukhang luma ang project dahil mukhang old star si Bea.

Double work dapat ang Team Bea, bigyang ningning ang career ni Bea Alonzo, sayang ang komisyong nakukuha, gastahin iyan sa publicity ni Bea dapat. Huwag ma­ging kuripot noh, share ang blessing, huwag cancel lang ang alam gawin.

Ate Vi, inaming ‘di marunong magpalit ng diaper

Katawa pala si Vilma Santos.

Hindi pala siya marunong magpalit ng diaper kaya hindi siya puwedeng babysitter nina Lucky Manzano at Jessy Mendiola.

Kasi nga, nang maging mother siya, si Mama Milagring Santos ang baby sitter kaya hindi iyon nagawa ni Ate Vi. Pero hands-on pa rin siya dahil talagang binantayan niya ang paglaki nina Lucky at Ryan.

Puwede lang na hindi na kasali ang pagpapaligo at pagpalit ng diapers, hah hah. Talaga naman kasi na ‘pag mga baby pa, takot tayong lahat na hawakan dahil nga very small at fragile ang mga baby.

Hayaan mo na, Ate Vi, kahit hindi ka marunong magpalit diaper, proud pa rin ang magiging mga apo mo na ang lola nila ang great Vilma Santos.

‘Yung diapers, hayaan mo na sa mga yaya, basta nandiyan ka for them, happy and proud na lahat ng magiging apo ng isang Vilma Santos. 

vuukle comment

BEA ALONZO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with