^

Pang Movies

Maggie Wilson, kinasuhan ulit ng dating asawa!

Salve V. Asis - Pang-masa
Maggie Wilson, kinasuhan ulit ng dating asawa!
Maggie Wilson

MANILA, Philippines — Extremely exhausting daw para kay Maggie Wilson ang nakalipas na six weeks ayon sa kanyang Instagram stories.

“It’s been an extremely exhausting six weeks on my emotional and mental well-being as further legal cases have been filed against me over the weekend while he was busy  #livinghisbestlife that again have no grounds,” sabi ng former beauty queen / TV host patungkol sa kasong kinakaharap niya sa dating asawang bilyonaryong si Victor Consunji kung saan din pina-padlock ang kanilang tirahan.

Pero hindi niya binanggit sa nasabing post kung ano pang mga karagdagang kaso ‘yun.

“Still, I am fighting and will continue to do so with everything I’ve got for myself and, more importantly, Filipino women and children,” dagdag niya.

Nauna na siyang kinasuhan ng three counts of adultery kasama ang iniuugnay sa kanyang Thai-British businessman na si Tim Connor.

Jolina, baliw kay Attorney Woo

Mabilis nahulaan ng fans ang peg ni Jolina Magdangal sa kanyang outfit nang mag-guest siya sa TNT (Tawag Ng Tanghalan) ng It’s Showtime two days ago.

Post kasi niya : “Today’s TnT. Hulaan nyo sino ang peg ko sa huling picture.”

Si Park Eun-bin ng Korean drama na Extraordinary Attorney Woo na umere ang last episode this week ang kanyang peg.

Na by the way, ayon sa reports online ay tumanggap ito ng pinakamataas na rating sa Korea, as in 17.5 percent na pinakamataas sa lahat ng episode kaya number 1 ito sa cable TV shows sa Korea na pinalalabas din sa Netflix at nagkaroon daw ito ng almost 5 million views.

In all fairness kay Jolina, kuha niya ang outfit ni Atty. Woo sa nasabing photos niya.

MAGGIE WILSON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with