^

Pang Movies

Ruffa, ibinuko ang panlaban sa bashers!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ruffa, ibinuko ang panlaban sa bashers!
Ruffa

Nasa Viva Artists Agency na si Ruffa ­Gutierez.

Kahapon nga ay pumirma siya ng kontrata.

Kasabay nito ang isang online media conference.

Since 1980’s aminado si Ruffa na malapit na siya sa pamilya nila Boss Vic del Rosario bagama’t mas nauna siyang nagkaroon ng kontrata noon kay Ms. Donna Villa pagkabalik mula sa Amerika noong 1986.

Pero marami siyang nagawang pelikula sa Viva kahit noon pa.

In all fairness, kay Ruffa, talagang hindi siya nawalan ng career since then.

At ang sekreto niya, “Be professional. Always be on time. Don’t ever burn bridges kasi umiikot lang naman tayo dito sa showbiz e. Maliit lang naman ang industriya. ‘Yung mga taong makakasama mo 20 years ago, makakasama mo sila ulit at mga boss na sila. ‘Yung mahuhusay makisama are the ones who stay the longest,” sabi niya kahapon.

Wala rin sa kanyang problema kung may mga basher siya.

Nanatili siyang controversial kahit na nga ang rami na ngayong nagdaratingang ibang artista at habang ang iba naman ay nawala na.

“Ang pagiging kontrobersyal naman ay hindi ginagawa,” aniya.

“Kundi ka na pinag-uusapan sa showbiz, ibig sabihin laos ka na,” sabi pa  niya.

“I’ve been in the industry for 36 years and all the major superstars around the world may mga basher. Hindi na dapat natin sila iniintindi and  ‘yung mga naninira kasi you’ll never be able to change their minds,” ayon pa kay Ruffa. 

 “Some people love you, some people won’t like you. Some people always change their minds about you. Ang importante you just remain true to yourself,”

Kaya nga para sa kanya, kailangan mo laging nire-reinvent ang sarili mo.

#Darna, top trending sa Twitter worldwide at Pilipinas

Umabot sa 296,334 ang live concurrent viewers ng unang episode sa Kapamilya Online Live sa YouTube, kung saan ipinakilala na ang karakter ni Jane de Leon na si Narda Custodio, ang nanay niyang si Leonor (Iza Calzado), kapatid na si Ding (Zaijian Jaranilla), at Lola Berta (Rio Locsin).

Nabigyang-linaw sa episode kung paano napunta sa Earth ang unang Darna na si Leonor mula sa planeta niyang Marte, at ipinakita rin ang kapasidad niya bilang Darna habang kinakalaban niya ang isang alien na umatake sa kanilang bayan.

Nalaman na rin ni Narda ang pagiging superhero ni Leonor at ang tadhana niya bilang susunod na protektor ng mahiwagang bato.

Samantala, napanood din ang isang eksena kung saan may misteryosong babaeng karakter na tila nalason ng elemento mula sa alien na nilalang, na tila ba inilalarawan kung paano magiging babaeng ahas na si Valentina ang karakter ni Janella Salvador na si Regina.

Bukod kina Jane, Zaijian, Janella, Rio, at Iza, ipinakilala na rin si Joshua Garcia sa unang episode bilang Brian Robles, isang kaibigan ni Narda na sinubukan niyang iligtas mula sa mga bully.

Matapos ang ilang taong paghihintay, hindi napigilan ng netizens na magpahayag ng paghanga para sa  Mars Ravelo’s Darna, lalo na at nanguna sa Twitter trend list worldwide at sa Pilipinas ang hashtag #Darna. Marami rin ang pumuri sa visual effects, fight scenes, at nakaka-inspire na mensahe ng serye.

Para sa premiere episode nito, nagdaos ang Mars Ravelo’s Darna ng live viewing party sa Robinson’s Galleria nitong Lunes (Agosto 15).

Anak ni Cherie Gil ‘di raw nagluksa, nagpaliwag na todo party pagkamatay ng ina!

Sinagot ng anak ng namayapang aktres na si Cherie Gil, si Bianca Rogoff, ang komento ng isang follower niya kung bakit todo party agad siya as if hindi  nag­luluksa sa pagpanaw ng kanyang ina.

“Your mom just passed away and your in a party now?”

Sagot ng isa sa mga anak ni Cherie na nani­nirahan sa New York : “Absolutely. Life is sacred and should be valued and honored, and most importantly, lived. And if you knew her, she’d be the first one to tell anyone to live their life adventurously and joyfully.

“ I am grieving and that is similarly sacred– but it is not my job to show you that. I love my mother and am allowed to grieve as publicly or privately as I wish. I am not here to perform for those who chose to follow me.

“ If you’d like to unfollow, please feel free. I will keep enjoying the life my mother gave and granted me.”

Dagdag pa niya :  “I will not be answering or justifying all the messages in my inbox so please consider this an overall statement for now.”

Iba-iba nga naman ang paraan ng pagluluksa kaya tama naman na wag i-magnify ng anak ni Ms. Cherie ang mga netizen na mahilig sa intriga.

Richard Yap, balik sa pag-arte

Balik-telebisyon si Richard Yap sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Abot Kamay na Pangarap.

Gagampanan ni Richard ang karakter ni Robert Tanyag, isang super workaholic na doctor kaya kung minsan ay napapabayaan na niya ang kanyang pamilya.

Ibinahagi ni Richard sa isang interview na very exciting ang mangyayari sa kanyang role rito.

Bukod kay Richard, pasok sa cast ng Abot Kamay na Pangarap sina Carmina Villarroel bilang Lyneth at Jillian Ward bilang Analyn.

Kasama rin sa sina Dominic Ochoa, Andre Paras, Pinky Amador, Wilma Doesnt, Ariel ­Villasanta, at marami pang iba.

Muling hindi pinalad si Richard na manalo noong nakaraang eleksyon kung saan siya kumandidato sa pagka-kongresista sa Cebu.

JANE DE LEON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with