^

Pang Movies

Janella, inaming binibisita na lang ni Markus ang kanilang anak   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janella, inaming binibisita na lang ni Markus ang kanilang anak            
Janella

Sa interview ni Janella Salvador kahapon sa Magandang Buhay, indirectly ay parang inamin na rin niya na hiwalay na nga sila ni Markus Paterson.

Natanong kasi siya ng hosts kung kanino niya iniiwan ang baby nila ni Markus na si Jude kapag nasa lock-in taping siya ng Mars Ravelo’s Darna.  “Meron siyang mga nag-aalaga sa kanya. ‘Yung mga angel namin sa bahay. Pero also, naiiwan din siya sa tatay niya minsan kapag nasa lock-in ako. Binabantayan din siya, bini-visit siya,” sagot ni Janella.

Sa sagot niya na binibisita na lang ni Markus ang kanilang baby, ibig sabihin nga nito ay talagang hiwalay na sila.

Tinanong ni Regine Velasquez kung sila pa ba ni Markus, hindi niya ito direktang sinagot pero may pa-hint ang aktres.

“Basta ate Redj, masaya kami individually. Du’n na lang natin tingnan. Our focus is Jude. He is the priority,” sabi ni Janella.

Ang aktres ang gumaganap na Valentina sa Mar’s Ravelo’s Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon na magsisimula na ngayong Lunes, Aug. 15.

Ayon kay Janella ay hirap na hirap siya sa tuwing magla-lock in sila dahil nga matagal niyang hindi nakikita ang anak.

“It was actually really a big sacrifice for me. Until now, kasi hindi pa rin kami tapos mag-lock-in. So, tuwing magla-lock-in kami, minsan, umaabot ng more than 1 month, tapos siyempre, nami-miss ko si Jude.

“Actually, minsan, umiiyak lang talaga ako sa kuwarto kasi nami-miss ko siya. Tapos, tatawagan ko siya, ibi-video call ko siya. Pero buti na lang, ‘pag rest day, pumapayag naman silang mag-visit si Jude lang,” kwento ni Janella.

Vice, maraming mabigat na pinagdaanan 

Sa kanyang recent Instagram post ay nag-emote si Vice Ganda sa kanyang fans and followers. In a video-audio clip kung saan ay maririnig ang kanyang boses, sinabi niyang hindi naging madali para sa kanya ang mga nakaraang buwan dahil sa kanyang mga pinagdaanan.

“These past few months have not been easy. In fact, they’ve been really difficult. Ang daming nangyari sa buhay ko. May magagaan, may mabibigat.

“May mga masasaya, may mga malulungkot. May mga winning moments at may mga humbling moments,” pag-amin ni Vice Ganda.

Patuloy niya, napakarami niyang pinagdaanan na hindi alam ng tao.

“Sa mga pinagdaanan ko, ilan lang diyan ang nakita niyo at talagang alam niyo. It was really exhaus­ting, really exhausting,” aniya.

Pero magkagayunman, sobra-sobrang pagmamahal at suporta naman daw ang natatanggap niya mula sa madlang people.

“And I know, napakarami sa inyo ang nagdadasal para sa kalusugan ko at sa kaligayan ko. At ‘yun ang nagpapanumbalik ng sigla ko,” she said.

“Kaya araw-araw, anuman ang pinagdadaanan, excited ako laging gumising kasi sigurado ako, nandyan kayo.

“At gigil na gigil ako laging pasayahin kayo,” aniya pa.

Sa huli ay nagpasalamat siya sa madlang people at kanyang fans na tinatawag niyang “Little Ponies.”

“Kaya ngayon, bago ako matulog, I just want to say thank you very much and I love you Madlang People. Most especially to you, my Little Ponies. Good night,” pagtatapos ni Vice Ganda.

Umapaw naman sa comment section ang words of love and encouragement sa kanya ng mga kaibigan and supporter.

Sabi ni Korina Sanchez, “anuman yan, oo siguro mahirap. Pero kaya mo yan.”

Komento naman ni Ruffa Gutierrez, “sending love, Vicey!!”

Sey naman ni Iza Calzado, “sending love and healing light!”

JANELLA SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with