^

Pang Movies

Matteo, mapapanood na sa Unang Hirit!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Matteo, mapapanood na sa Unang Hirit!
Matteo

Kalat na kalat na ang balitang mapapanood na si Matteo Guidicelli sa GMA Network ngayong buwan ng Agosto.

Although wala pang inilalabas tungkol dito ang GMA, balitang makakasama si Matteo sa Kapuso morning show na Unang Hirit bilang isa sa hosts.

Eh wala ring post sa kanyang Instagram si Matteo kaugnay ng balita. Kaya naman ‘yung fans niya at netizens, excited na makita siyang muli sa telebisyon but this time, sa GMA na!

Ngayong buwan ding ito ipalalabas ang The Wall Philippines na si Billy Crawford ang host. Homecoming niya ito sa Kapuso network na pinagmulan niya bago nalipat sa ibang istasyon.

AMBS, gustong makapagbigay ng trabaho

Naglabas na ng unang payanig ang Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ng Villar group of companies!

Mayroon nang flagship na radio ang AMBS. Ito ay ang K-Lite 103.5 FM na 1995 pang napapakinggan ng listeners. Pero ngayon ay may bago nang bahay ang K-Lite na sa Level 2 ng Starmall sa Shaw Boulevard sa Mandaluyong City mananahan.

Ayon kay Manny Villar, chairman ng Villar Group, ito ang simula ng kanilang pagpasok sa entertainment industry.

Isa sa kanilang layunin ay makapag-generate ng jobs para makatulong sa kapwa Filipinos.

Mapapakinggan pa rin sa K-Lite ang dalawang in-house disc jockeys na sina DJ Jaybee Jariol at DJ Aly Esplana. Isa sa bagong pakulo nito ay ang Search For K-Lite Kampus Krew na bukas sa students at voice talents.

Siyempre, inaabangan ng publiko ang TV programs na ilulusad ng AMBS Network.

MATTEO GUIDICELLI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with