^

Pang Movies

Showbiz apektado...Cherie Gil, pumanaw sa sakit na cancer sa edad na 59

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Showbiz apektado...Cherie Gil, pumanaw sa sakit na cancer sa edad na 59
Cherie Gil.

Apektado ang buong showbiz sa pagpanaw ng batikang aktres na si Cherie Gil noong Biyernes ng gabi, oras sa Pilipinas.

Kaya naman talagang umapaw ang pakikiramay ng mga nakatrabaho niya noon at ngayon sa social media.

Marami nga ang nagulat sa pagpanaw ni Ms. Cherie, 59, sa New York dahil sa cancer.

Maraming nag-akala na fake news ito nang unang kumalat sa social media. Dahil bukod sa edad na 59, iilan ang may alam na may sakit ito.

Paano raw mangyayari ‘yun.

Pero isang kaibigan namin na malapit sa actress ang nagbigay ng kumpirmasyon noong Biyernes ng gabi, medyo late na.

Wala na nga ang original na prima contravida na si Cherie Gil at nagpasikat sa ‘‘You’re nothing, but a second-rate trying hard copycat!’

Sa pelikulang Bituing Walang Ningning sumikat ang nasabing iconic line ni Cherie.

Si Sharon Cuneta ang bida sa pelikula na nakasama ni Cherie sa kanyang huling sandali sa mundo.

Sa teleseryeng Legal Wives huling napanood si Ms. Cherie. At nagkaroon ng kontrobersya nang bigla siyang umalis sa teleseryeng pinagbidahan ni Dennis Trillo.

Pero nagpaliwanag siya sa interview sa kanya ng  Mega kung saan kalbo na rin siya that time. “People thought there was something going on between both camps but hindi. Artistic differences lang naman ang nangyari. Pamilya ko na rin sila. This is not the first time I’ve done something like that. I’ve done it in the past—I’ve walked out of sets. So I would like to think that they know and understand me enough by now. I feel grateful that they have been there for years, hiring me, and supporting with whatever it was I was wanting to do.”

At tinuturing niyang ‘rebirth of sorts’ ang decision niyang tumira sa New York. “I got rid of all the clothes I had that symbolized a past life. I’m completely finding myself and coming to terms with who I really am. It’s just great to have this opportunity and to be alive to start over. It’s like a rebirth of sorts,” sabi pa niya sa lumabas na artikulo.

 “I just had to make sure that first and foremost, my mental, emotional, spiritual states were getting the priority. I was getting tired of myself. And I was just so angry and unhappy, so I sold everything and packed up,” kumpisal niya.

At may takot daw siyang nadarama kahit kilalang matapang ang aktres sa mga ginampanan niyang role. “I am human. We all get scared sometimes, if not often. But I have found my own tools to deal with them. By not focusing on the fears but instead on trust and most of all gratitude.”

Rest in Peace, Ms. Cherie.

Monkeypox, health emergency na sa US

Mabilis ang pagkalat ng monkeypox sa Amerika kaya nag-declare na rin si US President Biden na health emergency.

May vaccine na ito sa America pero ang bilis daw makahawa.

Grabe, hindi pa man endemic ang coronavirus, heto at ang kumalat naman ay ang monkeypox.

Ang dami pa namang nagpupuntahan sa US ngayon para magbakasyon dahil maluwag na nga ang health restrictions pero kung magkakaroon ng outbreak ang monkeypox, baka walang maging katapusan ang pagkalat ng virus sa buong mundo.

KC, aalis na sa Amerika?!

Walang sinabi si KC Concepcion kung saan ang next ‘move’ niya.

Ito ay matapos niyang i-post na “Hello, my LA home” My one year with you has gone by so fast. I need to move on soon, but you’ll always have a special place in my ”

Maraming nag-aassume na babalik na siya ng Manila dahil na-mention niya sa isang social media posting hindi pa natatagalan na na-interior na ang bahay niya rito sa Manila.

Anyway, obviously, hindi rin sila nagkita ng mommy Sharon niya na matagal-tagal na ring namamalagi sa Amerika dahil pareho silang walang nabanggit sa kanilang social media accounts.

Bukod sa concert kasama si Regine Velasquez, nag-attend din si Sharon ng premiere night ng pelikulang dapat ay kasama siya, ang Easter Sunday ni Jo Koy.

Si KC naman ay nag-attend ng kasal ng kapatid sa ama na si Cloie Syquia sa Sweden.

 

vuukle comment

CHERIE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with