Tirso, nakaapak na sa FDCP

Liza at Tirso

Pormal nang tumapak sa Film Development Council of the Philippines Office si Tirso Cruz III na itinalaga ni President Bongbong Marcos bilang chairman at CEO ng ahensiya.

Present ang outgoing FDCP Chair Liza Diño nang dumating si Cruz sa office ayon sa Facebook ng FDCP.

Kasama ni Chair Tirso sa pag-assume ng office ang anak na si Djanin Cruz, director Jose Javier Reyes, Atty. Patricia Lenajo at Atty. Chris Liquigan upang ayusin ang transition.

Kaabang-abang ang gagawin ni Pip sa movie industry sa bago niyang responsibilidad.

Klea, itutuloy ang pagpipiloto

Pangarap pala ng Kapuso artist na si Klea Pineda na maging piloto.

Sa kanyang Instagram, ipinasilip ni Klea ang video ng pag-upo sa cockpit ng piloto sa eroplano. “One step forward sa pangarap na maging Piloto. First time to try Simulator waaah. Thank you @topfliteacademy sa experience. Here’s to more flights with you guys,” caption ni Klea.

May quotation pa siya mula kay Amelia Earhart na na-publish sa New York Times, 29, July 1928. Kung tama kami, si Amelia ang unang babaeng naging piloto.

Huling napanood si Klea sa GMA series na Bolera bilang kontrabida na sinaluduhan ng manonood.

Juancho, ulit sa MPK

Team replay ngayong gabi ang episode ng Magpakailanman.

Tunghayan muli ang kuwento ng isang lalaking binubugbog ng kanyang asawa! Bida rito sina Andrea Torres, Angela Alarcon at Juancho Triviño.

Show comments