^

Pang Movies

Judy Ann, Angel, Iza, kasali sa kasalang Hidilyn at Julius

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Judy Ann, Angel, Iza, kasali sa kasalang Hidilyn at Julius
Judy Ann

Handa na sa kanilang kasal sina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz at fiancé niyang si Julius Naranjo na trainer din niya.

Gaganapin ang kasalan sa July 26, sa Baguio.

Kabilang sina Sen. Manny Pacquiao, Mr. Manny V. Pangilinan, Mr. Ramon Ang, former VP Leni Robredo, Vicki Belo, Virgie Ramos sa 19 pairs of principal of honors.

Sa celebrity friends naman ng ikakasal, kasama sa entourage ang manager ni Hidilyn na si Noel Ferrer, ang mag-asawang Judy Ann Santos and Ryan Agon­cillo sa principal sponsors.

Bridesmaid si Iza Calzado at Groomsman si Atom Araullo.

Matron of Honor si Angel Locsin.

Ang nasabing kasalan ay itinapat sa first anniversary ng pagkakapanalo ni Hidilyn ng gold medal sa Rio Olympics.

Sanya Lopez, nagpaindak sa Hot Maria Clara

Sunud-sunod ang oportunidad na dumarating sa Kapuso star na si Sanya Lopez.

Matapos ang successful airing ng pinagbidahang primetime series na First Lady,  may bagong pinagkakaabalahan ang magandang aktres dahil isa na siyang recording artist ngayon.

Inilunsad kahapon, July 15, ang kanyang first single under GMA Music titled Hot Maria Clara na tungkol sa modern Filipina empowerment.

 In all fairness, hindi niya binigo ang listeners dahil angat na angat ang maganda niyang boses pati na rin ang talento sa pagra-rap.

Napaka-catchy ng lyrics kaya hindi nakapagtataka na nag-debut agad ito sa #3 spot sa iTunes chart at napasama sa Spotify’s Fresh Finds Philippines pla­y­list, ayon sa GMA News.

Pakinggan ang Hot Maria Clara sa lahat ng digital streaming platforms worldwide. 

Ilang artista ‘di pa rin bakunado, mas gustong uminom ng Ivermectin!

May ilang showbiz personalities pala na hindi pa rin bakunado hanggang sa kasalukuyan.

Na mas pinili raw ng mga ito na uminom ng Ivermectin twice a week.

Ayon sa source, ang nagpapagaan daw ng pakiramdam ng ibang celebrity na ‘di pa bakunado ay ‘pag nababasa nila ang statement ng Tennis champion na si Novak Djokovic.

Lumabas sa isang interview ni Djokovic na wala talaga siyang planong magpa-vaccine.

Kapapanalo lang ni Djokovic sa Wimbeldon.

 Hindi nakakapasok ng Amerika si Djokovic dahil sa mandate green vaccine card.

Napag-usapan ang tungkol dito dahil sa magaganap na US Open sa August.

“I’m not vaccinated and I’m not planning to get vaccinated, so the only good news I can have is them removing the mandate green vaccine card — or whatever you call it to enter the United States — or exemption,” ayon sa kanyang lumabas na interview sa childrenshealthdefense.org.

Isa si Djokovic, from Serbia, sa sinasabing greatest tennis ever ayon sa CNN.

At ito nga raw ang nagpapa-comfort sa mga local celebrity na hindi pa bakunado laban sa COVID-19 kahit sinasabi ngayong hindi na papasukin ang mga walang booster sa enclosed na lugar.

Ah so paano kaya sila nakakapasok sa mga lugar na naghahanap noon ng vaccine card?

Unless katulad sila ng ibang fake ang vaccine card.

May mga sumusuporta naman sa mga unvaccinated showbiz personalities pero maraming takot na silang lapitan ‘pag nakikita sila although maraming hindi raw nakakaalam na hindi pa sila nagpapaturok laban sa COVID-19 na ngayon nga ay tumaas na naman ang bilang ng mga nahahawa.

JUDY ANN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with