^

Pang Movies

Direk Lino, payag makatrabaho si KC   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Direk Lino, payag makatrabaho si KC                
Direk Lino

Balik-showbiz si direk Lito Cayetano matapos ang tatlong taong termino niya bilang Mayor ng Taguig City. Hindi na siya tumakbong muli nitong nakaraang eleksyon at nag-give way sa kanyang sister-in-law na si Lani Cayetano na siyang kumandidato at nanalo naman.

“Nu’ng nagsabi si Mayor Lani na gusto niyang tumakbo, nagbigay-daan ako, parang nakita ko ‘yung sarili ko na mas marami akong pwedeng gawin dito sa industriya,” pahayag ni direk Lino sa tsikahan with the entertainment press kahapon.

“Na ‘yung experience ko, ‘yung napagdaanan ko bilang isang Mayor ng isang malaking syudad, lalong-lalo na noong pandemya, ‘yung experience ko being a local chief executive, bringing that here and running a small company and working with the other networks to be able to produce more material.

“Hindi lang ‘yung marami akong matutulungan sa industriya natin pero more than that, ‘yung makapagkuwento pa at makabuo pa ng mas maraming mga kwento,” he added.

Ipagpapatuloy ni direk Lino ang pamamahala ng naitatag na niyang produksyon noong 2017, ang Rein Entertainment na siyang nag-produce ng Bagman series ni Arjo Atayde. Of course, aside from producing ang creating content, he’s also ma­king a comeback in directing na mahigit 15 taon din niyang naging propesyon.

Sa kanyang pagbabalik ngayon, willing ba siyang idirek at makatrabaho ang ex-girlfriend niyang si KC Concepcion?

“Ay oo naman, friends naman kami,” mabilis niyang sagot. “Saka, sana, ma­ging successful ‘yung.... I know she’s shooting a movie abroad,” dagdag niya.

Natanong nga rin ang reaksyon o opinyon niya na naba-bash ngayon si KC dahil humihingi siya ng donasyon sa kanyang fans para sa post production ng international movie niyang Asian Persuasion.

Ayon kay direk ay naiintindihan daw niya si KC dahil hindi naman daw ito humihingi ng tulong para sa sarili kundi para sa proyekto.

“As a producer, naiintindihan ko ho na a project has a life of its own. And ‘yun nga, kahit naman ho, may mga involved sa proyektong ‘yun na malalaking tao, kahit na may production arm or producer na involved, every project has a life of its own. Baka maliit lang ‘yung budget at maliit lang ‘yung ikinkuwento ng pelikulang ‘yun. Pero hindi ko ho masyadong alam ang detalye,” paliwanag ni direk.

Sa ngayon ay excited na si direk Lino sa mga proyekto nilang gagawin sa Rein Entertainment, una na nga rito ay ang proyektong pagsasamahan nina Ian Veneracion at Heaven Peralejo na kasalukuyan nilang ginagawa ngayon.

“It’s a very exciting project, hindi ko pa lang pwedeng sabihin ang details,” aniya.

vuukle comment

KC CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with