Bea, ‘di na ulit kayang katrabaho si Gerald   

Bagama’t matagal nang naka-move on si Bea Alonzo sa breakup nila ni Gerald Anderson, mukhang matindi pa rin ang galit niya sa ex-boyfriend dahil ayaw niya pa rin itong makatrabaho hanggang ngayon.

Sa vlog ni Barbie Forteza kung saan ay kinapanayam niya si Bea, isa sa naitanong niya ay kung willing ba ang aktres na maka­trabaho ang mga ex nito.

Diretsong sagot ng aktres, “depende kung sinong ex. Kay Zanjoe, willing akong makipag-ano.”

Of course, ang tinutukoy ni Bea ay si Zanjoe Marudo na nakarelasyon niya before Gerald Anderson.

Sey pa ulit ni Bea, “depende sa ex. Isa lang naman ‘yung ayoko, eh.”

Para naman kay Barbie, aniya ay parang hindi raw niya kayang makatrabaho ang kahit sino sa mga ex niya.

Tanong ni Bea kay Barbie, “Bakit? Ugly breakup?”

Ayon kay Bea, sila raw ni Zanjoe ay hindi naman kasi ugly breakup at hanggang ngayon ay nananatili naman daw silang magkaibigan.

Hugot pa ni Bea, “it would be disrespectful to our partners if we ended it badly.”

Patuloy pa niya, “iba kapag may betrayal na factor.”

Hindi man nagsabi ng pangalan si Bea, obviously ay si Gerald ang ex na ayaw niyang makatrabaho at ito rin ang pinariringgan niya tungkol sa betrayal.

Barbie, tinatago pa rin ang mga alaala ni Diego

Kahit break na sila, iniingatan pa rin ni Barbie Imperial ang gifts and letters sa kanya ni Diego Loyzaga. Buong ningning niya itong ipinakita sa kanyang latest bedroom tour vlog sa YouTube channel niya.

Sa nasabing vlog ay inisa-isa ni Barbie ang laman ng kanyang kwarto hanggang sa may inilabas siyang isang box. “Meron akong box dito. Ay, nandito pa pala ‘to! Char!,” natatawang sabi niya habang kinukuha ang box sa isang closet.

Patuloy ng dalaga,”mahilig kasi ako mag-keep ng notes galing sa loved ones ko.”

At ipinakita na nga niya ang laman ng box na puro letters and dried flowers at siya na rin ang nag-explain na galing lahat ‘yun sa kanyang ex-boyfriend na si Diego. “So, etong box na ito, mga letters from Diego before, mga flowers din na bigay niya sa akin,” aniya.

“Hay naku, Diego,” sambit pa ni Barbie na ewan kung nanghihinayang ba siya or what.

Pero nilinaw naman agad niya, “wala namang bad blood, so… Memories, ‘di ba?” Saka ‘wag feeling special kasi marami pa akong ibang ganito,” natatawa pa niyang paliwanag.

“Joke lang, Diego,” sambit pa niya.

Ipinakita rin ni Barbie ang collection of self-care books niya na nakatulong daw sa kanya nang mag-break sila ni Diego. “Nakaka-help kasi siya ma-boost ‘yung confidence n’yo at mas mahalin n’yo ang sarili n’yo,” sey niya.

Ipinakilala rin niya ang kanyang alagang pusa na siya raw kasama niya sa buong break-up season niya at siyang nagpasaya sa kanya

Show comments