Female celeb, ampalaya pa rin sa nakaraang eleksyon!

Privileged ang feeling ng Kapuso star na si Sanya Lopez na makadalo sa inauguration last Sunday ni Vice President Sara Duterte sa Davao City.

Sinamantala na rin ng First Lady star na magkapaglitrato kasama si VP Sara, anak ni Pesident-elect Bongbong Marcos na si Congressman Sandro Marcos at senator Robin Padilla.

Maiksi pero malaman ang speech ni VP Sarah na simpleng green Filipinana terno ang suot.

Isa naman si Andrew E ang nag-perform at nakuhanan siyang nagmano kay President Digong Duterte at niyakap ni VP Sara.

Isa si Andrew sa perfomers na nakasama sina VP Sara at President-elect Marcos sa kampanya.

Samantala, hindi pa rin maka-get over ang isang female celeb na sumuporta kay VP Leni Robredo kahit move on na ang dating VP sa resulta ng eleksiyon.

Lasang ampalaya pa rin ang post sa social media ng female celeb.

May halong pang-aasar pa ang laman ng post niya dahil tila pinalalabas na ‘tulog’ ang 31 million na bumoto kina BBM at Duterte samanatalang buhay pa rin ang 14 million na na Kakampinks, huh!

Show comments