^

Pang Movies

Markus, nagsalita na sa ‘hiwalayan’ nila ni Janella  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Markus, nagsalita na sa âhiwalayanâ nila ni Janella           

Binasag na ni Markus Paterson ang kanyang katahimikan tungkol sa paghihiwalay raw nila ni Janella Salvador.

Ayon kay Markus, maayos naman daw ang relasyon nila ni Janella. Pero hindi niya nilinaw kung magkasama pa rin ba sila o hindi na.

Nag-speculate ang ilang netizens na hiwalay na ang dalawa dahil wala si Janella sa naganap na birthday celebration ni Markus noong nakaraang June 3.

“Our relationship status is definitely something that people are asking about. But as of now, I’m gonna let her do the talking in that situation. We’re both very good. We have a very good relationship with each other. So let’s just leave it like that for now,” sey ni Markus.

Happy naman daw si Markus sa current situation nila ni Janella.

“Ang puso ko ngayon? Ang masasabi ko lang, masaya. Sobrang saya ng puso. Magaan in a lot of ways. I’ve come to terms with a lot of things this year so far. I just can’t wait to grow more and learn more about everything in life – in my craft, relationships, and fatherhood. I’m so young and I can’t wait to just become the best version of me.”

Nagpaabot pa siya ng mensahe para kay Janella na naging mabuting ina sa anak nilang si Jude.

“I couldn’t be prouder of the woman you have become, the mother you have become, and the mother you continue to be, and to grow into. It’s such a beautiful thing to watch. I’m so blessed to be a part of your life.”

Michelle, naglabas ng nararamdaman sa pagiging single mother

Inamin ni Michelle Madrigal na kahit malapit na siyang ma-divorce sa kanyang estranged husband na si Troy Woolfolk, hindi pa rin daw siya totally happy dahil malungkot daw ang maging single mother.

Sa vlog ni Michelle, ibinahagi niya na nakakaramdam siya ng lungkot dahil hindi buo ang pinangarap niyang pamilya. Lumalabas daw na parang third wheel siya sa mothers na may masaya at kumpletong pamilya.

“Singlehood, single motherhood, it can get pretty lonely. Kasi sometimes, if you want to hang out, ikaw lang ‘yung odd doon. Ikaw ‘yung odd number; Lahat may family. ‘Pag in-invite ka minsan, ‘Oh, I’ve already made plans with the girls, with all the other moms or whatever.’ They are all just talking about their kids, their husband. And you were like, ‘Okay.’ I don’t want to be that girl na kapag inimbita na, ‘Oh, she’ll come alone.’ Ano ako, parang lagi lang akong third wheel, ganoon? Or fourth wheel or fifth wheel? Parang nakakahiya ‘di ba?”

Ngayon ay nasa company si Michelle ng mga tulad niyang single mother. Mas nakaka-relate raw siya sa mga ito dahil pareho ang kanilang nararamdaman at pinagdaanan.

Pinaalam din ni Michelle na nakalipat na siya sa bagong bahay kasama ang anak niyang si Anika. “Hey, guys! I’ve moved out of our house and sharing with you guys my new place! Here’s to a fresh start,” masayang balita ni Michelle.

Priyanka at Nick, may pasilip sa baby

Pinasilip ng bahagya ni Priyanka Chopra-Jonas ang five-month-old baby girl nila ni Nick Jonas na si Malti Marie Chopra Jonas.

Pinost ng former Miss World 2000 ang photo ni Baby Malti sa Instagram bilang regalo sa kanyang mother na si Madhu na nag-celebrate ng birthday.

Nilagyan ni Priyanka ng caption na: “Happiest birthday Mama. May you always smile that infectious smile of yours. You inspire me so much with your zest for life and experiences every single day!”

Nag-reply naman si Madhu sa post: “The best birthday celebration I’ve seen in a while. Love you to the moon and back Nani.”

Ulo lang ni Baby Malti ang makikita sa photo dahil ayaw pa nilang ipakita ang kabuuan ng mukha nito.

Sinilang si Baby Malti via surrogate noong January at 100 days itong nasa neonatal intensive care unit bago naiuwi ng mag-asawang Nick at Priyanka.

Nangako naman ang mag-asawa na someday ay maipapakita na nila ang magandang mukha ng kanilang baby girl.

JANELLA SALVADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with