Ogie, dumepensang nanganganib ang relasyon nila ni Regine!
Dumepensa agad si Ogie Alcasid nang makabasa ng tweets na may problema raw sila ng asawang si Regine Velasquez!
“I have read some tweets about my wifey and I having marital problems. For the record, wifey and I are so much in love and there has not been any day where that love for each has ever diminished,” tweet ni Ogie.
After a failed marriage, ayaw na marahil ni Ogie na mangyari pa ito sa asawa niyang si Regine, huh!
Kayong mga Maritess talaga! Mapaghinala! Ha! Ha! Ha!
Carla, kailangan ng kanta
Ang maging masaya ang birthday wish ni Carla Abellana na sa Singapore nagdiwang ng kaarawan.
Hindi man aminin, malungkot pa rin si Carla sa nangyari sa hiwalayan nila ng asawang si Tom Rodriguez matapos ang ilang buwang magpakasal.
Pero nagawa pa niyang mag-vlog habang nasa Singapore, huh!
Aralin na lang ni Carla ang hugot songs ni Moira dela Torre na nakipaghiwalay rin sa kanyang asawa!
Bongga siya kapag nagawa niyang kumanta to express her inner feelings!
Tutal naman, kumakanta rin si Tom! Ha! Ha! Ha!
- Latest