^

Pang Movies

Rhian, humihingi ng mini-break!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

On vacation pala ngayon si Kapuso actress Rhian Ramos in Europe.

Ito ay nang matapos ni Rhian ang lock-in taping ng kanyang GMA Afternoon Prime series na Artikulo 247, with Benjamin Alves, Mark Herras, Mike Tan and Kris Bernal.  

At matapos niyang mag-renew ng panibagong contract sa Sparklers ng GMA Artist Center. Bale iyon ang 16th year ni Rhian as a Kapuso. At proud siyang sabihin na naging loyal siya sa kanyang home network.

“In that entire 16-year period, never ko naisip umalis or lumipat,” sabi ni Rhian sa interview sa kanya.

“I was 15 then, so I was so young. Kaya nga it really does feel like a family to me, na tumulong at nag-guide sa akin, and understand me. And I just try to be honest sa kanila, kung may offer sa akin pero feel ko na pagod na ako, humihingi muna ako ng mini-break, I travel when I can. Minsan ko na itong ginawa noon, na nagbakasyon ako for six months sa New York, in-enjoy ko iyong walang pumapansin sa akin doon, everyone treats me like a normal person. Kaya I’m very thankful sa network sa pagpayag nila kapag nag-request ako.”

Tamang-tama naman ang bakasyon ni Rhian, dahil naging very challenging ang role na ginampanan niya sa Artikulo 247 na nagtapos in a high rating last Friday, June 3.

Sarah, chef na!

Proud husband si Matteo Guidicelli sa wife niyang si Popstar Royalty Sarah Geronimo nang i-share niya sa Instagram ang graduation picture ni Sarah from a baking school.

“Super proud of you my love! Officially graduated from baking school!! CONGRATULATIONS!  Yesss “Chef Sarah” it is!! We are super proud of you! Your achievements are limitless because you always strive for excellence! I love you! #proudhusband”

Last year pa pala, during the pandemic, na ang passion ni Sarah sa baking ay ginawa niyang business.  Nag-bake siya ng cupcakes at hanggang ngayon she still sells cupcakes.

Meanwhile, marami nang naghihintay kung kailan matutuloy ang meeting ni Matteo with GMA Network at maging isang Kapuso. Una nang napanood si Matteo sa GMA nang mag-guest siya sa weekly cooking show na Farm To Table with Chef JR Royol, shot in Antipolo, Rizal. Dito ipinakita ni Matteo ang kaalaman niya sa pagluluto ng Italian Spaghetti Aglio e Olio.

Pokwang, kayang magpatawa at magpaiyak

Maraming natutuwa sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa comedian-actress na si Pokwang, na labis naman nitong ipinagpapasalamat. Pwedeng sabihin na dahil ito sa husay at professionalism ng komedyana na kayang-kaya niyang gampanan ang anumang role na ibigay sa kanya.

Hindi nga lamang siya nagpapatawa, madalas din siyang magpaiyak sa dramatic episodes na ginagawa niya.

Today, Saturday, si Pokwang ang special guest ni Ms. Mel Tiangco ng Magpakailanman na Nasaan Ka, Inay? at paiiyakin ang viewers sa story ni Lilia (Pokwang). Ang episode ay mapapanood sa pagsisimula ng live streaming nito sa GMA Network’s YouTube account, MPK’s Facebook page at TikTok account at 8:15 p.m. sa GMA 7, after Jose & Maria’s Bonggang Villa.

RHIAN RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with