^

Pang Movies

Ryzza Mae, aktibo na uli

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Ryzza Mae, aktibo na uli

Sa darating na June 12, Independence Day, ay ika-17th birthday ng dating Little Miss Philippines (ng Eat Bulaga) at former childstar na si Ryzza Mae Dizon. It was only last Saturday, May 28, nang muling magbalik-studio at balik-Eat Bulaga ang teener na ngayon na si Ryzza Mae dahil sa pandemic. 

Pero ang magandang nangyari ay natuto siyang maging vlogger at meron na siyang 477k subscribers at kumikita na siya sa YouTube.

Si Ryzza Mae lang yata ang naging child star na umani ng napakaraming awards (almost 30) sa loob lamang ng limang taon. 

Siya rin ang pinakabatang nagkaroon ng sariling talk show sa pamamagitan ng The Ryzza Mae Show na produced din ng TAPE, Inc., producer ng Eat Bulaga na siya ring nagbigay sa kanya ng dalawang drama series, ang Princess in the Palace  at Calle Siete.

Tito Sen, babalik na sa Bulaga

Nakapag-paalam na sa si Senate President Tito Sotto sa kanyang mga kasamahan sa senado at malamang na ito’y magbalik-telebisyon sa pamamagitan ng Eat Bulaga kung saan silang tatlo nina Vic Sotto at Joey de Leon ang main hosts at itinuturing na pedestal ng programa.

Hindi man pinalad si Tito Sen sa kanyang vice-presidential bid, nais pa rin niyang pasalamatan ang kanyang mga naging kasamahan sa senado at lahat ng mga taong sumuporta at naniwala sa kanya sa nakaraang halalan. Dito man magtatapos ang kanyang political career, simula pa lamang umano ito ng panibagong yugto ng kanyang buhay kasama ang kanyang pamilya.

Bukod sa Eat Bulaga, malamang na balikan din nito ang pagiging song-writer at record producer na siyang naisantabi nang pasukin niya ang larangan ng pulitika.

Malaya at Patawad, sakto na sa pinagdaraanan ni Moira

Alam mo, Salve A., marami ang nanghinayang sa maagang paghihiwalay ng mag-asawa at musician na sina Moira de la Torre at Jason Hernandez na tuma­gal lamang ng mahigit tatlong taon matapos ikasal ang dalawa sa isang Garden Christian wedding nung January 14, 2019. 

Ang ex-husband ni Moira na si Jason ang unang nag-post sa kanyang IG account ng kanilang joint statement last May 31, 2022. Pero sa kabila ng kanilang paghihiwalay, sinabi ng songwriter na si Jason na nanatili pa rin umano silang magkaibigan ng kanyang dating misis at naroon pa rin umano ang kanilang pagmamahal at respeto para sa isa’t isa.

As early as last April ay may lumabas nang mga balita na may problema ang pagsasama ng (dating) mag-asawa.

Samantala, kung babalikan ang mga kantang pinasikat ni Moira tulad ng Malaya at Patawad, ang nasabing mga awitin ay akmang-akma sa kanilang sitwasyon ngayon.

vuukle comment

TITO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with