Heart, ‘di pa nakakarampa sa Cannes

Parang hindi na naman nakagugulat na expensive ang makeup na ginagamit pati na ang kanyang perfume.

Pinost ni Heart Evangelista sa Instagram ang photos ng Chanel products na for sure, kanyang ginagamit. Mula sa Chanel No. 5 perfume, Chanel Le Rouge Crayon De Couleur lip liner at ang Rouge Allure L’extrait lipstick at Chanel’s Les Beiges cushion foundation.

Prinesyuhan ng netizens ang Chanel products at umabot lahat ang four Chanel products ng P18,836.98. Detal­yado talaga, hanggang sa sentimo.

Kapag tsinek ang IG ni Heart, hindi lang Chanel products ang kanyang pino-post, may iba ring make-up line na nasa feed niya.

Samantala, wala pang pino-post si Heart sa pagrampa niya sa Cannes Film Festival na magtatapos na sa Saturday, May 28. Waiting na ang fans nito sa kanyang post to see her looks, from makeup, hairstyle at gowns or dresses plus jewelry.

Rabiya, mag-iiba ng career?!

Ibi-build-up bang TV host ng Sparkle GMA Artist si Rabiya Mateo? Kaya namin ito naitanong dahil sa balitang isa siya sa magho-host sa bagong morning show ng GMA 7. May makakasama naman daw sa pagho-host si Rabiya, pero siyempre, sa kanya mapu-focus ang attention dahil bago siya sa showbiz.

May nagsabing baka naisip ng GMA na gawing host si Rabiya after mag-guest sa Chika Minute ng 24 Oras at nakitang puwede siya.

Kung totoo ito, at least, hindi na lang pag-arte ang kanyang ipinamamalas, pati na rin ang maging host.

Suwerte nga raw sina Rabiya at Jeric Gonzales sa isa’t isa dahil mula nang maging sila, sunud-sunod na ang kanilang projects, kahit hindi magkasama. Tapos si Jeric, nanalo pa ng acting awards.

Anyway, totoo bang wala na kay Jonas Gaffud ng Empire.ph si Rabiya? Pumirma na kasi ito sa Sparkle o baka naman, co-managed siya nina Jonas at ng Sparkle, puwede naman ‘yun.

Glaiza at Ruru, pasok sa Running...

Paglilinaw sa una naming nasulat na host at cast ng Running Man Ph,  kasama lang daw sa cast sina Glaiza de Castro at Ruru Madrid na inakala noong una na hosts ng popular reality game show ng South Korea na gagawan ng version ng GMA 7.

Si Mikael Daez daw ang host nito at hindi rin kasama si Pekto. Ang makakasama nina Glaiza at Ruru bilang cast members ay sina Buboy Villar, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, at Angel Guardian.

Lovi at Piolo, na-conscious

Maganda ang poster ng Flower of Evil series nina Piolo Pascual at Lovi Poe at mala-Korean drama ang dating dahil sa adaptation ito ng isang K-drama.

Pinost ni Lovi ang poster at nilagyan niya ng caption na “Ito na FOE, I mean poe, ang poster ng #FlowerOfEvil. Everyone worked so hard on this one! Should we let you know already when it’s coming out?”

Sa isa pang post ni Lovi, video naman ng promo nila ni Piolo ang kanyang pinost at nakakatuwa dahil hindi sila magkasabay. Ang daming takes na tinawanan na lang nila. Sabi ni Lovi, “Oops... na-conscious ata ako kay Papa P.”

Hindi pa binanggit ni Lovi kung kailan ang airing ng Flower of Evil, pero parang may nabasa kami na sa June na ang premiere nito. Ang request ng ibang Kapamilya fans, i-stream din ito sa Netflix.

Samantala, pinost ni Sen. Grace Poe sa kanyang Instagram ang photo ni Lovi sa wake ni Ms. Susan Roces. Kung ‘di kami nagkakamali, ang sumalubong kay Lovi ay ang anak ni Sen. Grace na si Brian Poe Llamanzares.

Show comments