Kim hindi pikon, na-bash bash sa ‘spokesperson’ issue

In fairness kay Kim Chiu, hindi napipikon sa mga nagtatanong sa kanya kung alam ba niya ang trabaho ng spokesperson dahil sa comment niyang bakit ang spokesperson ng hindi pinangalanang kandidato ang sumasagot, nakikita, at humaharap kapag may isyu.

Tanong ng isang netizen kay Kim kung ang alam ba niya sa trabaho ng spokesperson ay taga-linis?

“Hahaha. Alam ko naman ang ibig sabihin. Ang tanong lang naman eh “BAKIT LAGI.” Kayo napaka OA nyo! Bash agad! Relax lang ako lang to. Kahit nga sa panliligaw kahit may friend ka na taga push kahit papano humaharap at kumakausap ka pa rin sa nililigawan mo. Hay nako!!! Bahala kayo jan!,” sagot ni Kim sa nagtanong.

Sunud-sunod na ang pamba-bash kay Kim na in fairness, hindi binubura ang negative at hate words na ipinukol sa kanya. May nagpayo pa nga na dapat bago siya mag-post, magtanong muna sa mga kaibigan niyang matatalino para hindi sya naba-bash.

In fairness uli, puwedeng balikan ni Kim ang mga nam-bash sa kanya na hindi alam ang tamang spelling ng “spokesperson.” At least si Kim, alam na may letter “s” between letters “e” and “p.” ‘Yung mga nam-bash kay Kim, puro “spokeperson” ang sinusulat. Sige, balikan kayo ni Kim at mapapahiya kayo!

Andrea, wish maging permanente kay John Lloyd

Magti-taping sa Boracay ang sitcom ni John Lloyd Cruz na Happy ToGetHer at bukas, ang alis nila JLC at buong grupo pa-Boracay. Nagtanong kami kung sino ang leading lady sa Boracay episode ng sitcom, hindi raw nabanggit ng aktor at doon na malalaman.

May fans na nagwi-wish na si Andrea Torres ang mag-guest sa summer episode ng Happy ToGetHer at sana raw, si Andrea na talaga ang maging permanent partner ni JLC.

Kung titingnan, three episodes ng guest si Andrea at siya pa lang ang tumagal na nag-guest. Si Julie Anne San Jose ay dalawang magkasunod na linggo lang.

Ang unang balita, si Andrea ang leading lady sa Happy ToGetHer, kaso hindi nangyari at iba’t ibang aktres ang nakakapareha ni JLC.

Xian, bumilib sa mga buntis

Dahil sa ginampanang role sa False Positive na ang karakter niya ang nagbuntis, lalong bumilib si Xian Lim sa mga buntis. Challenging ang preggy role kay Xian dahil wala siyang alam na lalakeng nagbuntis, kaya nabuksan ang isip niya sa mga pinagdadaanan ng mga babaeng buntis.

“Kurot pa lang ‘yung nararamdaman ko sa dami ng pinagdadaanan nila so that gives me a whole ‘nother’ of repect for them dahil, hindi biro ang magbuntis,” sabi ni Xian.

Para paghandaan ang kanyang role, may mga pinanood na TV series, movies, at nanood din siya sa YouTube tungkol sa pagbubuntis, hindi para gayahin ang acting ng mga napanood, pero para lang magkaroon siya ng idea kung paano kumikilos ang mga buntis.

Siniguro nina Xian at Glaiza de Castro na matatawa, matutuwa, at mag-e-enjoy ang viewers sa False Positive at tulad nila, mabibitin din ang viewers sa maiksi nitong airing.

First Kapuso project ni Xian ang False Positive at sabi nito sa me­diacon ng mini-series, looking forward siya for more project sa GMA 7.

Show comments