^

Pang Movies

Glaiza, natakot sa Romcom   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Glaiza, natakot sa Romcom            

Dalawang GMA Network series ang nagtapos last weekend, ang Primetime series na Widows’ Web na may naiwang tanong sa netizens, magkakaroon ba ito ng part 2, dahil bitin ang ending ng serye?

Anyway, papalitan ang series ng isang fantasy romcom na False Postive, ang first gender-switch on Philippine TV na pagtatambalan nina Glaiza de Castro at new Kapuso leading man Xian Lim.

Grateful si Xian sa pagbibigay sa kanya ng napaka-challenging na role ng GMA.

Ayon naman kay Glaiza :“Since ito ang una kong romcom, na nasanay ako doing dramatic scenes, nagtanong ako kung paanong approach ang gagawin ko. I think nagawa ko naman ang dapat kong gawin, masaya siya, na-enjoy ko rin,” sabi naman ni Gladys.

Directed by Irene Villamor, world premiere ng False Positive this Monday, May 2, after First Lady, 8:50 p.m., sa GMA 7.

Mikee, nabigatan nang maging anak ni Maricel

Young actresses Jillian Ward, Althea Ablan and Sofia Pablo, ang tampok sa katatapos na afternoon prime drama series na Prima Donnas, pinalitan naman ito ngayon ng isang bold, sexy and daring afternoon series na Apoy sa Langit, na tatampukan ng mahusay na actress na si Maricel Laxa-Pangilinan with Zoren Legaspi. First time pala ni Maricel na maidirek siya ni Ms. Laurice Guillen, kaya sabi niya: “I’m making myself available to learn, to go to the next level and doing extra homework on grabbing the opportunity to do this TV project.”

Challenge rin naman sa dalawang talented actresses na sina Mikee Quintos at Lianne Valentin ang serye. Mas mabigat daw kay Mikee ang role niya rito bilang anak ni Maricel Laxa na may trauma kaya nahihirapan siyang mabuhay nang normal. “Pinakamahirap po ito sa mga nagawa ko nang role, mas mabigat pa kaysa role ko sa Onanay. Kaya labis po ang pasasalamat ko kay Direk Laurice na itinuro niya kung paano ko dapat gawin ang eksena, she’s very straight to the point with what she wants and that helped me sa bawat eksena.”

Most daring role naman ang character ni Lianne sa serye.

Tomorrow, May 2, ang world premiere ng Apoy sa Langit, Mondays to Saturdays, 2:30 p.m., after Eat Bulaga, sa GMA 7.

GLAIZA DE CASTRO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with