^

Pang Movies

Revirginized ni Sharon, naungasan  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Revirginized ni Sharon, naungasan           

Umaasa ang fotog na si Fernan Sucalit na magi­ging malaking hit ang internet movie ng paborito niyang si Sharon Cuneta. Kung iisipin, iyon ang kanyang unang naughty, dahil hindi naman matatawag na sexy film. Experimental iyon para kay Sharon dahil dati puro wholesome ang mga pelikulang kanyang ginagawa.

Inaasahan nila iyan, dahil iba nga ang market, nasa internet. Ang mga nauna niyang comeback mo­vies, matapos na makapagbawas ng timbang, hindi kinagat sa mga sinehan na bukas pa noon. Iyong kanyang unang indie ay hindi kumita. Ang dalawang ginawa niya sa Star Cinema, isang kasama si Mayor Goma (Richard Gomez), at isang kasama si Robin Padilla, mahina rin sa takilya.

Nag-horror na siya, mahina rin. Ang hindi na lang niya napapasok na genre, iyon ngang sexy. Pinasok niya iyon katambal si Marco Gumabao, pero iyon pala hindi rin impressive ang sales ng Revirginized.

Lumabas iyan nang ang Vivamax executives mismo ang nagsabing ang kanilang pinakamala­king pelikula sa kanilang streaming platform ay ang Silip sa Apoy na ang bida ay si Angeli Khang at Sid Lucero. Kasi naman hot ang kanilang eksena. Doon din sa pelikulang iyon, “nagbuyangyang” si Paolo Gumabao, hindi gaya ng utol niyang si Marco na sinabihan lang ni Sharon ng “ang laki-laki.”

Maliwanag na wala pa palang malaking hit si Sharon simula nang siya ay mag-comeback?

Bakit kaya? Ano ang mali sa kanyang career at hindi na siya nakabawi. May panahong number one siya at tinatalo maski na pelikulang Rambo, bakit ngayon kahit anong ‘rambol’ ang gawin hindi siya kinakagat ng tao?

Hindi mo naman masasabing matatanda na kasi ang fans niya. Eh bakit ba si Ate Vi, mas matatanda ang fans hit pa rin. Hinahabol pa rin ng mga bagets na fans.

Kailangan pag-aralan iyan, mukhang may mali talaga sa career ni Sharon. 

Marco, ‘di tinularan ang kapatid

Nagulat din kami kay Marco Gumabao. Ang nakikita lang namin kasi ang trailer ng kanyang mga pelikula. Wala ka­ming napapanood talaga. Kahapon lang kami nakapanood ng pelikula ni Marco, ang Rooftop. Nagulat kami, magaling pala siyang umarte, at kayang paglaruan ang iba’t ibang emosyon sa kanyang mukha. Sa tingin namin, totoo nga ang sinasabi nila na si Marco ang “better Gumabao.”

Iyon naman kasing kapatid niya, nasabak nang nasabak sa gay indie films. Sa lahat yata halos ng pelikulang ginawa nito, ang pinagmamalaki ay kaya niyang magbuyangyang ng private parts, na hindi naman ginawa ni Marco.

Mayroong mga artista na hindi panonoorin kung hindi maghuhubad. Mayroon din namang hindi man maghubad magugustuhan ng mga tao dahil magaling nga.

Baguhan at Socmed influencer, tinanggihan ng baklang pulitiko

Sinubukan daw ng kanyang “manager” na i-deal ang isang newcomer at social media influencer sa isang gay poilitician, pero tinanggihan iyon ng gay politician dahil sa suspetsang mas gay pa iyon kaysa sa kanya. Makikita naman kasi kahit na sa kanyang mga performance sa TikTok na mukha ngang gay siya. Madalas pang ipinagyayabang niya ang kanyang mahabang dila.

Iyang mga ganyang tsismis, mabilis kumalat, kaya palagay namin hindi na aangat ang newcomer.

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with