Angelica, naitama ang mga tao sa paligid  

Pinakita na ni Angelica Panganiban ang kanyang baby bump sa latest post niya sa social media.

Nasa beach si Angelica kasama ang kanyang baby daddy na si Gregg Homan.

Pinusuan ng maraming netizen ang pinost na ito ng aktres kabilang na ang mga kaibigan nila sa showbiz.

Blooming nga raw si Angelica at bagay dito ang pagbubuntis niya.

Comment ni Janine Gutierrez : “Ang ganda ganda mo.”

“Pretty momma” naman ang comment ni Bela Padilla.

Napatili naman si KC Concepcion ng: “Ayyyyy!!!!! Ano ba yan kakakilig naman yan! So happy for you!”

Enjoy raw si Angelica sa kanyang pagbubuntis dahil bagong journey ito sa kanyang buhay.

“Napakatagal kong hinintay ito at wala naman akong pinaganarap kung hindi maging isang ina. So ngayong dumating na siya, ito na ang role na gusto kong gampanan. ‘Yun naman muna siguro ang gagawin ko. I’m sure naiintindihan ako ng mga boss, sobrang supportive nila sa akin. Napaka-suwerte ko na dumating siya sa tamang tao, sa tamang timing, tamang mga tao ang mga nasa paligid ko para intindihin at suportahan ako sa maganda, bagong journey at bagong chapter ng buhay ko.”

Chef Jose Sarasola, dedma na kay Maria

Nasa bansa na ulit pagkaraan ng dalawang taon ang former Japanese adult film actress na si Maria Ozawa.

Nandito si Ozawa para sa soft launch ng Maria’s Room na isang online gaming portal.

Na-miss daw ni Ozawa ang magagandang beaches ng Pilipinas. Bumalik ng Japan si Ozawa noong magkaroon ng pandemic.

Sa pagbalik ni Ozawa sa Japan ay nakipaghiwalay ito sa kanyang boyfriend na si Chef Jose Sarasola. Hindi raw kasi magwu-work ang long distance relationship sa kanilang dalawa.

Pero nasabi ni Chef Jose na naghiwalay sila ni Ozawa as friends at paminsan-minsan daw ay nagkukumustahan sila.

Ngayon at nakabalik na ng Pilipinas si Ozawa, magkaroon kaya ng balikan sa kanila ni Chef Jose?

Mukha namang super in-love si Chef Jose noong sila pa ni Ozawa dahil pinagtatanggol niya ito sa mga basher sa social media.

Puwede pa rin naman silang magbalikan, yun ay kung wala pa silang nahahanap na bagong karelasyon.

Hollywood actor na si Sean Penn deborsyado na naman!

Divorce sa ikatlong pagkakataon ang aktor na si Sean Penn sa third wife niyang si Leila George.

Kinasal ang 61 year-old two-time Oscar best actor kay Leila noong kasagsagan ng pandemic noong 2020. Na-finalize na ang divorce papers nila after six months after nilang maghiwalay.

Marami sa mga kaibigan nila ang inakalang magkakabalikan sila dahil nakita silang pinapasyal ang kanilang mga pet dog sa Los Angeles kamakailan. 31 years ang age gap ni Penn kay Leila.

Inamin ni Penn na siya ang naging dahilan kung bakit muling nag-fail ang marriage niya. Malaking dahilan daw ay ang kanyang dependence on alcohol at ang presciptive drug na Ambien.

“There’s a woman who I’m so in love with, Leila George, who I only see on a day-to-day basis now, because I f**ked up the marriage. We were married technically for one year, but for five years, I was a very neglectful guy. I allowed myself to think that my place in so many other things was so important, and that included my place in being totally depressed and driven to alcohol and Ambien at 11 o’clock in the morning, by watching the news, by watching the Trump era, by watching it and just despairing.”

Unang kinasal si Penn sa singer na si Madonna noong 1985 at naghiwalay sila noong 1989. Second marriage niya ay sa aktres na si Robin Wright in 1996 at nag-divorce sila in 2010.

Show comments