^

Pang Movies

Maricel, hindi na nakabitiw sa serye   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

It seems na-enjoy muli ni Maricel Laxa-Pangilinan nang magbalik-acting siya sa first episode ng Mano Po Legacy, a co-production venture ng GMA Network at Regal Entertainment, na ipalabas ito a few months ago.

Kaya tinanggap muli ni Maricel ang offer ng GMA para sa Afternoon Prime drama series na Apoy sa Langit. Nasa lock-in taping na muli siya kasama sina Zoren Legaspi, Mikee Quintos at Lianne Valentin. Balik-acting din dito sina Ramon Christopher, Mariz Ricketts, at ang multi-awarded director/actor na si Carlos Siguion-Reyna.

Nag-post sa kanyang Instagram si Maricel: “Missing my family while locked in our teleserye bubble. Grateful for the opportunity to work and grow. Excited to share with you what we have been working on #Apoy sa Langit. Directed by: Laurice Guillen.”

Malapit na silang mapanood simula sa May 2, at 2:30 p.m., kapalit ng Prima Donnas, sa GMA 7.

Dennis at Jennylyn, excited na sa kanilang baby girl

Malapit na ang ipaghihintay ng Kapuso power couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, bago nila masilayan ang kanilang coming baby girl, kaya naman naging aligaga ang mag-asawa especially si Jennylyn, sa pagpo-pose para sa maternity photo shoot niya, at siyempre pa, sinamahan din siya ni Dennis for some playful couple snaps with celebrity fashion photographer BJ Pascual.

Ipinakita ni Jennylyn sa kanyang vlog ang DenJen behind-the-scenes footage of her maternity shoot at poses nila ni Dennis, ganoon din ang formal pictures and retro-style outfits photos nila together.

Marami na ang naghihintay sa coming baby girl nila, bukod kina Dennis at Jennylyn at sa teenage boys nilang sina Calix at Jazz.

GMA, bumuo ng Sparkada

Formally introduced na ang bumubuo sa Sparkada, ang title na ibinigay ng renowed Starmaker na si Mr. M sa members ng Sparkle’s newest barkada: “All the members of the Sparkles have a certain ‘It Factor.’ You don’t know what it is, but it makes them unique, interesting, and attractive. They came from all over the Philippines and of course they are all young, fun and exciting.”

Naniniwala rin si Mr. M. na their determination to succeed will help carry them far in their careers, they have a strong social media following, they are already celebrities in their spheres and rights.

Bawat Sparkada ay dumaan na sa intense workshops para masiguro na handa na silang humarap sa pinasok nilang trabaho.

Kung isa-isa silang kikilalanin, makikitang most of them ay mula sa showbiz family. Wala pang exact numbers kung ilan ang bubuo sa Sparkada, dahil kasama rin nila ang ilan pang mga artist na nasa pangangalaga na ng Sparkle GMA Artists Center.

Dalawa sa mga pumasok sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at ang nagbabalik na Kapuso comedienne, si Rufa Mae Quinto, na almost two years na ring nasa Amerika, pero hindi nakabalik dahil sa COVID-19 sa bansa.

MARICEL LAXA-PANGILINAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with