^

Pang Movies

Mga simbahan, dinagsa!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga simbahan, dinagsa!

At least naging prayerful ang ilang araw natin.

Nakita ko sa news na mara­ming nag-Visita Iglesia sa iba’t ibang mga simbahan sa buong Kamaynilaan.

Ako naman kaloka dahil konting lakad lang hinihingal na ako.

Walking distance ang church mula sa bahay namin, at dati nilalakad ko lang ‘pag nagsisimba ako pero now, grabe ang hingal ko ‘pag nilakad ko kaya sakay ako tricycle na lagi akong nauuntog at sobra pala ang kalog habang umaandar.

Hay naku, ang tagal kasi akong na-addict sa misa ni Father Tito Caluag sa TV kaya matagal din bago akong ‘di naka-attend ng mass sa church.

Pero iba pa rin talaga ‘yung feeling sa loob ng simbahan, parang iba ang napi-feel mo ‘pag face to face kayo ng pari lalo na sa homily.

Saka iba talaga ang pakiramdam ‘pag Holy Week, para talagang may kaway ang simbahan at ang pagdarasal na hindi natin nagawa ng dalawang taon dahil sa pandemya. Kaya pasalamat tayo na parang normal na ulit at nakakabisita na tayo sa mga simbahan lalo na ngayong Mahal Na Araw.

Marami tayong dapat ipagpasalamat na minsan mapapaisip ka kung karapat-dapat ka ba sa natanggap mong biyaya.

Ang laki nang dapat nating tanawin ng utang na loob sa lahat ng mga bagay na binibigay Niya sa atin. Ang laki ng dapat nating ipagpasalamat sa buhay na ipinahiram niya hanggang ngayon.

Happy Easter.

HOLY WEEK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with