^

Pang Movies

Alden at Bea, nagkailangan sa umpisa!  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Alden at Bea, nagkailangan sa umpisa!             

Samantala, nagsimula nang mag-taping ang first team-up nina Bea Alonzo at Alden Richards, Start-Up, the Filipino version of the popular Korean series.

Yes, of the same title.

Nagkakailangan pa raw both sina Bea at Alden. Bagama’t excited din both sila, since wish talaga nila ang makagawa na for them ang GMA 7.

Sofia, Expert

Starting April 24, magpapakitang gilas na si Sofia Pablo sa kanyang pagiging expert swimmer.

Yes, sa kanya ipinagkatiwala ng Regal Studio Presents ang top role na isang sirena sa Raya Sirena, isang mini series co-produced by GMA 7 at Regal Entertainment.

Walong linggo raw mapapanood ang series, na magtatampok, maliban kina Sofia at Allen Ansay, bilang kanyang leading man, at Saviour Ramos, Juan Carlos Galano, Mika Reins at Elias Point.

Yes, Point.

Director: Crisanto Aquino.

Concert nina Sharon at Regine, inaabangan na

Ito ang tiyak aabangan ko, Salve A.

Ang diumano’y iconic concert na pagsasamahan nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez.

Sa Resorts World Manila mapapanood itong concert nina Sharon at Regine.

Two nights daw ito: June 17 and 18. Ang simula, 8 p.m.

Both professionals to the max, audiences are expected to come on time.

Produced by Full House Theater Company, ang dalawang magaling na musical directors daw, sina Louie Ocampo at Raul Mitra ang direktor.

Yes, obviously, co-directors sila.

Inaasahan tiyak ang pagdalo ni Ogie Alcasid, Regine’s better-half.

By this time, alam na kung nanalong Vice President si Senator Francis Pangilinan, Sharon’s better-half naman.

As of this writing, open book that Senator Francis is running bilang Vice President ni VP Leni Robredo.

Sen. Bong, may ipinamana sa DongYan

Wow, Salve A., may mami-miss tayo.

Ka-miss-miss talaga. At hindi lang pansamantala, dahil sa totoo nga raw magtatapos na ang action series ng Agimat ng Agila, topbilled by everyone’s favorite action actor (yes, actor), Senator Bong Revilla.

Ang timeslot na iiwanan nito sa GMA 7 ang “mamanahin” ng bagong sitcom ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Titled Jose and Maria’s Bonggang Villa, the sitcom is set to air starting May 14, a Saturday.

Na this early ay ipinagmamalaki na ng GMA 7.

First time na magkakaroon ng sitcom ang mag-asawa.

BEA ALONZO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with