^

Pang Movies

Bea, nagbawas ng talent fee?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Bea, nagbawas ng talent fee?!

Napanood mo ba sa TV ang commercials ni Bea Alonzo, Salve? Bongga ‘di ba? Pero bakit may balita na bagsak presyo raw para lang makita na marami siyang endorsement pero ‘yung sales daw yata ng products na ine-endorse niya hindi gaanong hit sa sales?

May balita rin kami na isang product na si Bea ang endorser na halos hindi diumano gumalaw sa market. Baka dahil hindi niya tinulungan in terms of marketing.

Sana pukpok niya sa social media gaya ng ginagawa ng ibang endorsers na talagang kukulitin ka sa paghingi ng suporta para bilhin ng followers niya.

Sayang naman, baka dahil malapit nang maging senior star at medyo malamlam na ang career, baka mawala pa ang mga endorsement niya. Huwag niyang sayangin ang panahon habang 34 years old pa lang siya, pagdating ng 40 parang hindi na bagay sa kanya ‘yung makati ang scalp, at ‘yung iba niyang products except sa wrinkles removal at anti-aging cream. Sayang ang ganda, ‘di ba.

Vacation mood, damang-dama na ng lahat

Wow, April 3 na, Salve. Sabi nila Fools’ Day ang unang araw ng April the other day. Remember ‘yung mga biruan noon na uutang nang walang bayaran ‘pag April 1? Pero hindi na yata uso iyon ngayon, kaya wala nang masyadong gumagawa ng ganun.

Mas mabuti pang isipin na lang natin na suwerte at parang pawala na talaga ang takot sa COVID, balik normal na ang lahat sa paligid, at ang ganda na naman ng turismo sa atin dahil punung-puno ang mga beach at hotels dahil sa summer. Mabuti na nga at pati malls punuan na ngayon.

Alive na alive ang paligid at para ngang nasa vacation mood ang lahat. Isang hinihintay ngayon ‘yung gagawin ng showbiz para sa dapat festivals na magaganap dapat ng June at December. May balak ba ang showbiz dito?

BEA ALONZO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with