Mike, ayaw tantanan ang trabaho

Fan ako ni Mike Enriquez. Lalo pa nga noon pa na nalaman ko na marami siyang sakit pero never siyang huminto sa trabaho.

‘Yung kahit pa nga dapat siguro magpahinga muna siya dahil talagang nakakapagod ang news and public affairs, tuloy pa rin siya sa trabaho.

Nagpahinga mula noong December hanggang March si Mike sa radio at TV ng GMA 7. Pero now na pinayagan na siyang bumalik ng kanyang doktor, talagang una niyang ginawa ang pagbabalik sa radio DZBB para sa programa niya, at 24 Oras para sa TV.

Walang puwedeng pumigil kay Mike para gawin ang pagiging news journa­list, at alam niya na miss na miss na siya ng kanyang fans kaya naman mula Lunes balik-trabaho na ang Mike Enriquez.

Welcome back to work Mike, at sobra mo kaming pinahanga sa sipag mo sa trabaho. Talagang hindi ka namin tatantanan, lagi kaming manonood at makikinig sa iyo, promise.

Mr. M, tinutukan ang Sparkle

Talagang inihahandang mabuti ni direk Johnny Manahan ang kanyang Sparkle. Ang ganda ng billboard nito sa GMA 7, ibang-iba na ang personality ng bagong young stars, pati ang kanilang styling binabantayan na ring mabuti.

Magaling ang training na ginagawa ng Sparkle kaya naman pagsalang ng young stars handang-handa na sila sa kanilang piniling career.Well-rounded na pati ang personality nila, pati sa pakikipag-usap na-training na silang mabuti.

Kaya suwerte ng dumaraan sa kamay ni direk Johnny Manahan dahil puwede mo talaga silang isabak agad sa trabaho. Kaya abangan ninyo ang bagong stars na ipakikilala ng Sparkle, panlaban ang mga ito, bagong generation ng magaling at mahusay na stars sa showbiz.

Show comments