^

Pang Movies

FDCP, pararangalan ang mga Pinoy na nanalo sa international filmfestS

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Muling bibigyan ng parangal ng Film Development Council of the Philip­pines (FDCP) ang mga taong taga-industriya na nagpamalas ng galing, at sa kanilang mga pelikulang nagbigay karangalan sa bansa sa pamamagitan ng kanilang pagwawagi ng awards at citations mula sa mga sikat na film festivals sa buong mundo, sa gaganaping 6th Film Ambassador’s Night sa Feb. 27, 2022, sa Manila Metropolitan Theater na muli nang binuksan para sa mga pagtitipon.

Taun-taon ay pinararangalan ng Film Ambassador’s Night ang mga filmmaker na nakapagbigay karangalan sa Pilipinas nitong nakalipas na taon, mga pelikulang lumahok at ipinalabas sa mga international film festival at nagpamalas sa galing ng mga Pilipino sa harap ng mundo.

Sa nakalipas na limang taon may kabuuang 319 Film Ambassadors ang pinarangalan na at magkakaroon ng karagdagang 77 honorees mula sa mga nagkamit ng parangal sa mga film festival noong 2021.

 “It’s another year’s worth of victories with the best of the best Filipino films being recognized around the world, highlighting our cultural heritage in cinema over the years. As we have continued to reach altitudes on the global stage, we applaud each filmmaker who shares their talent, creativity, and passion to the world. We created this night to celebrate you,” pahayag ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño.

Itatanghal din sa taunang okasyon ang mga espes­yal na pagpupugay ng gabi – ang Camera Obscura Award, ang pinakamataas na parangal ng FDCP na iginagawad sa mga filmmaker o pelikulang nagkamit ng katangi-tanging tagumpay (may dalawang tatanggap) at ang Gabay ng Industriya Award (Ilaw ng Industriya at Haligi ng Industriya), na ibibigay sa mga natatanging indibidwal na may kinikilalang kontribusyon sa kanilang buhay at larangan at naging mga iginagalang na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Isang mapanghamong taon ang 2021 para sa industriya ng pelikula dahil sa global pandemic na humadlang sa kasiglahan ng film distribution, on-ground events, at filming logistics.

Sa patuloy na pagbangon ng pelikulang Pilipino, ang patuloy na pagtatamo ng mga pagkilala at parangal ng mga pelikulang Pilipino mula sa mga pinapipitagang entablado ng mundo ay mga tagumpay na marapat ipagdiwang sa inaabangang okasyong ito. 

Ang 6th Film Ambassador’s Night ay isang eksklusibong event para sa mga honorees na gaga­napin ngayong taon sa MET Theater — ang hiyas ng Maynila na nagdiriwang ng ika-90 anibersaryo ng pagkatatag, at ang siyang pinakaakmang lunan para sa mahalagang kaganapang ito. Ang event ay gagawin nang may hybrid format at ipapalabas sa FDCP Channel sa mga susunod na araw.

Sa nakaraang taon, ipinagdiwang ang mga pelikulang Pilipino at filmmakers sa mga A-list international film festivals. Kabilang sa tatlong pinakamalaki ay ang mga sumusunod: John Arcilla para sa On the Job: The Missing 8, Whether the Weather is Fine (Kun Maupay Man It Panahon) ni Carlo Franciso Manatad para sa napakaraming pagkilala nito sa mga pinakamalalaking international film festivals —74th Locarno Film Festival in Switzerland, Guanajuato International Film Festival in Mexico, 46th Toronto International Film Festival in Canada, and at the 52nd International Film Festival of India. Nagbaon din ng mga parangal mula sa mga pangunahing film fests ng Asya ang Gensan Punch ni Brillante Mendoza – 34th Tokyo International Film Festival in Japan, and 2 awards from the 26th Busan International Film Festival in South Korea.

vuukle comment

FILM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with