Carlo, may pagsamo kay Trina?!

Ang feeling ng mga nakapanood ng TikTok ni Carlo Aquino na kinanta ang Pagsamo ni Arthur Nery, dedicated kay Trina Candaza at sa nangyari sa relasyon nila ang song.

Ang first line kasi ng song ay “Kung bibitaw nang mahinahon ako ba’y lulubayan ng ating mga kahapon na ‘di na kayang ayusin ng lambing. Mga pangako ba’y sapat na upang muli tayong ipagtagpo ng hinaharap.”

Okay ang pagkakanta ni Carlo sa song, pero negative ang reaction ng netizens na para bang sila si Trina. Pa-victim daw si Carlo, pampam sa socmed, hindi na raw uubra ang gimik niya at may nagtanong pa kung kailan magma-mature ang actor? May nagbiro pang ipasok na lang siya sa Squid Game.

Matatandaang nabanggit ni Carlo na hindi iya natuloy sa hit Netflix series dahil sa strict health protocols.

Anyway, habang wala pa sa mood mag-active sa Instagram si Carlo, si Trina ang active sa IG ngayon. Para nga raw iniinggit nito si Carlo na kasama niya ang anak nilang si Mithi, si Carlo hanggang tingin na lang sa photos at videos ng anak.

Direk Paul, pinatulan ng mga kapwa direktor

May reaction si Audie Gemora sa sinabi ni director Paul Soriano na “I am not afraid of being cancelled by the minority.” Ang sagot ni Audie, “Minority daw tayo o. Payag kayo?”

May post naman sa Facebook ang director, cinematographer, at photographer na si Neil Daza na “Film workers are struggling to follow health protocols. If there’s a breach in this shoot, there should be accountability.”

Ang tinutukoy ni Neil ay ang shoot ni direk Paul ng Unity campaign ad nina Bongbong Marcos at Davao Mayor Sara Duterte dahil lumalabas na nag-shoot daw si Bongbong gayung ang alam ay naka-quarantine ito. Nilinaw na ni direk Paul na wala sa shoot ng campaign ad ng Jan. 8 si Bongbong dahil naka-quarantine nga. Isyu pa rin ito hanggang ngayon.

Pare-parehong nasa showbiz sina Audie, Neil at direk Paul na obviously, iba ang sinusuportahang presidentiable. Curious kami kung ano ang eksena kapag aksidente silang magkita-kita sa isang lugar?

Pamilya ni Luane, tinamaan din ng virus

Kabilang ang pamilya ni Luane Dy sa tinamaan ng COVID-19 at sa kuwento nito, naunang tinamaan ang anak nila ni Carlo Gonzales na si Christiano. Nagpasalamat lang si Luane na mabilis nawala ang sakit ng anak at parang isang araw lang itong nagkasakit at gumaling na.

Isa pang ipinagpasalamat ni Luane, mild lang ang symptoms nila at gaya sa ibang pamilya, hindi rin niya alam kung paano sila nagka-COVID, hindi naman daw sila madalas lumalabas ng bahay.

Dagdag pa ni Luane, para silang mga preso habang naka-isolate sa kanilang bahay dahil kanya-kanya sila ng kuwarto at dinadalhan lang sila ng pagkain na nakalagay sa disposable na lalagyan para nga naman hindi na huhugasan at diretso tapon pagkatapos kumain.

Gumaling si Luane noong Jan. 25 na birthday niya, kinu-consider niyang birthday gift ang kanyang paggaling at araw din na nakalabas siya sa kuwarto kung saan siya naka-isolate.

Show comments