Solenn, Anne at Heart, nag-bonding sa Paris

Kainggit ‘yung pictorial nina Solenn Heussaff, Anne Curtis at Heart Evangelista sa Paris. Talagang fashionista ang tatlo at talagang adjusted sila sa Parisian air. Kasi nga talaga namang may dugong French si Solenn at ever since, si Anne bonggadera na talaga.

Ang suwerte dahil mag-isa lang si Heart nag-travel, ngayon meron na siyang kasama, sina Solenn at Anne.

Sarap ng experience ngayon ni Heart dahil magiging tourist guide nila si Solenn. Sa mga ganitong travel experience mas nabubuo ang solid friendship kaya baka maging BFF ang tatlo after their Paris trip.

Bongga, kainggit talaga especially now na ang hirap ng biyahe, ang sarap mamasyal dahil alam mo na hindi lahat puwede, kaya ibang-iba ang aura ngayon ng travelling.

Mga anak sa labas, laging kawawa

Ngayon ko nakita ‘yung wisdom sa sinabi ng isang actor na puwede siguro siyang mag-cheat sa asawa niya dahil lalaki siya at hindi niya alam kung hanggang saan ang tibay niya sa tukso, pero never ever niyang gagawin ang magkaroon ng anak sa labas. Hindi raw niya kaya na isipin na itago ang isang bata, na hanggang paglaki nandu’n ang stigma ng pagiging anak sa labas.

Totoo naman na kahit liberated na ang outlook ng marami, nandu’n pa rin ‘yung mababa ang tingin mo sa other family. Imagine mo na ‘yung isang babae na mistress na tinatawag, madalas nakatago sa dilim, umiiwas. Maliban na lang kung makapal talaga ang mukha at nagagawang i-display ang sarili. Iyon siguro ang malaki ring advantage ng pagiging legal wife, lalo pa nga at public figures kayo.

Alam ng buong bayan kung sino ang legal na asawa, kaya laging babae sa dilim ang kabit, hah hah hah. At kasali rin dito pati nagiging anak nila na wala namang kasalanan, lagi na lang sinasabi na ‘iyan iyon anak sa labas ni ganito.’

Actually napaka-unfair sa isang bata. So sad, so mean. Kaya hanga ako sa actor na nagsabi sa akin na never niyang papayagang magkaroon ng anak sa labas, dahil kawawa raw.

Totoo naman ‘di ba, kaya salute, dapat ganyan ang nasa isip ng mga tao na gumagawa ng pagtataksil, ok na lang na kayo ang gumawa ng kasalanan, huwag na kayong magdamay ng mga inosenteng bata. Maging responsable naman kayo.

Show comments