^

Pang Movies

Mommy D, nami-miss ang mga eksena kina Manny at Jinkee

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mommy D, nami-miss ang mga eksena kina Manny at Jinkee

Marami nga ang naghahanap kay Mommy Dionisia. Para ngang biglang nawala ito sa eksena.

Dati-rati visible siya basta may kinalaman kay Sen. Manny Pacquiao, pero nitong maging kandidato sa pagka-Presidente ang anak hindi nagpakita si Mommy Dionisia.

Baka dahil nga sa pandemic at takot sa COVID kaya hindi muna ito lumalabas.

Plus sabi nga ng iba, baka nag-enjoy sa buhay may ‘asawa’ dahil hindi ba nagkaroon siya ng bagong partner sa buhay? Pero now, meron silang bagong photos ni Jinkee Pacquiao kaya baka start na ito uli ng pagiging very visible ni Mommy Dionisia.

Fixture na siya talaga sa Pacquiao scenery kaya hahanapin mo siya. Dahil newsmaker din si Mommy Dionisia kaya agaw balita din siya sa lahat ng issues. Ngayon lumabas na uli siya, sure na masaya na naman ang news.

Ahas ni Janella, nilalaro-laro

Paano nga kaya ginagawang pet ang snakes?

Paano mo ito nilalaro at puwede ba itong iwanan sa bahay na kakalat-kalat? Sabagay nakikita natin ang mga snake charmer na maraming alagang ahas at mukha naman hindi nakakatakot. Pero siyempre, sabi nga, pag hindi talaga pang pet ang isang hayup lalabas pa rin ang natural destructive element nito. Saka iyon nga, paano mo siya ipi-pet o aalagaan? Tulad ba ng aso o pusa na puwede mong itabi sa higaan, iwanan sa bahay at tahimik lang na maghihintay sa iyo. Pero kanya-kanyang hilig. Gusto ni Janella Salvador ng ahas na pet, ok, at least naiiba.

vuukle comment

MOMMY DIONISIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with