Julia, kasama ni Gerald sa GenSan?!  

Hiwalay muna ngayong Pasko sina Gerald Anderson at Julia Barretto dahil sa General Santos City magpa-Pasko ang aktor kasama ang kanyang pamilya.

Since the pandemic, matagal daw hindi nakasama ni Gerald ang kanyang nanay na baka-base sa GenSan.

“Uuwi ako sa GenSan. Pupuntahan ko ‘yung nanay ko. Magki-Christmas kami roon. Kasi medyo matagal ko na siyang hindi nakita dahil sa pandemic. And I think ito ‘yung perfect time para makauwi kasi maluwang na,” sey ni Gerald sa Showtime Online U.

At mukhang magtatagal ang bakasyon ni Gerald sa GenSan dahil tapos na ang lock-in taping niya sa Hello, Heart series kung saan kasama niya ang singer na si Gigi de Lana.

“Katatapos lang namin i-shoot ‘yung ‘Hello, Heart.’ So medyo relax, relax muna. Kakalabas ko lang ng lock-in taping namin, ng bubble namin which is shinoot po namin ito ng one month. So now medyo relax lang,” sey pa niya.

Unless isasama niya sa GenSan si Julia.

Ipapalabas ang Hello, Heart on iQiyi sa Dec. 15 kaya masigasig si Gerald na mag-promote bago siya mag-Christmas vacation.

Huling napanood si Gerald sa ABS-CBN series na Init sa Magdamag na natapos noong September.

Faith, inaming laging natutulala kay Albert

May pagkakataon daw na natulala pa rin ang Kapuso actress na si Faith da Silva tuwing kaeksena niya ang veteran actor na si Albert Martinez sa teleserye na Las Hermanas.

Ilang beses daw siyang nate-take two dahil sobrang starstruck siya kay Albert. Ikinatutuwa naman daw ng aktor ang paghanga sa kanya ng Kapuso actress.

Sey ni Faith: “’Yung experience na naalala ko nagba-buckle ako, pero it’s a learning experience for me kasi alam ko na the next time hindi na dapat.

“Kasi naman si Albert Martinez ‘yung kasama ko so kahit papaano na-starstruck pa rin ako. Kahit sino naman yata, matutulala kung kasama mo sa isang scene ang mahusay at nirerespetong aktor.”

Binibigyan daw ng acting tips ni Albert si Faith para ‘di raw ito kabahan sa intimate scenes nila sa teleserye.

“Yes, binibigyan niya ako ng payo but more on how to handle the situation kasi marami kaming physical scenes.

“So sinisiguro din niya na hindi ako masasaktan and sa acting naman when I have questions for him willing siya tumulong.”

Oscar winner Dame Helen Mirren, nag-transform para sa Golda

Sa edad na 76, pumayag ang Oscar winner na si Dame Helen Mirren na dumaan sa character transformation para sa pagbida niya sa pelikulang Golda.

Ang Golda ay biopic tungkol sa former Israeli Prime Minister Golda Meir.

Nagsuot sa facial prosthetics si Mirren at pinasuot ng gray hair wig kaya naging unrecognizable siya sa mga lumabas na publicity photos.

Sey ni Mirren: “Golda Meir was a formidable, intransigent and powerful leader. It is a great challenge to portray her at the most difficult moment of her extraordinary life. I only hope I do her justice!”

Ire-release ang Golda sa kalagitnaan ng 2022. Ngayon pa lang ay may Oscar buzz na sa Golda at puwedeng lumaban si Mirren for best actress. Nanalo si Mirren ng Oscar best actress noong 2006 para sa pagganap niya as Queen Elizabeth II sa The Queen.

Sa magaganap na 28th Annual Screen Actors Guild Awards sa Feb. 27, 2022, gagawaran si Mirren ng SAG Life Achievement Award.

Noong 2003, pinagkaloob kay Mirren ang titulong Dame ng British Empire.

Show comments