_pang-masa
^

Pang Movies

DongYan, handa na sa baby no. 3

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
DongYan, handa na sa baby no. 3

Ready na pala muli ang Kapuso royalties na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera to have a third child after Zia and Ziggy. Sinagot ni Marian ang tanong na ito sa interview sa kanya the other day. Kung ano raw ang ibigay sa kanila ni Lord, tatanggapin nila. “Dalawa is okay sa akin pero kung pagpapalain at bibigyan kami ng pagkakataon, why not,” sagot ni Marian.  “Sa totoo lang, I am hoping for one last child. Kung bibigyan ulit, thank you na binigyan ulit kami, pero kung dalawa lang talaga, sobrang thank you na sa dalawang anak namin.”

Nagpapasalamat din si Marian na kahit working from home siya, nagagawa pa rin niyang fruitful ang days niya with their kids. Masaya raw siyang mas marami siyang time na natututukan niyang mabuti sina Zia at Ziggy, at natutulungan niyang mag-explore ang mga anak with other kids. At kapag pareho silang may free time ni Dingdong, nagagawan nila ng paraan na makalabas sila for a vacation, tulad ng ginawa nila recently, na nag-enjoy sila for a vacation on the beach,

Ngayon ay abala rin si Marian sa pagti-tape ng spiels niya sa new episodes ng Tadhana na nagsi-celebrate na ng 4th year anniversary nila.

Sa abroad ang honeymoon...

Naka-hold pala muna ang honeymoon ng newly-weds na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Hindi raw muna this year nila balak mag-honeymoon, kahit tapos na nila pareho ang lock-in tapings nila. Kasalukuyan nang napapanood ang To Have And To Hold primetime series nina Carla, Rocco Nacino at Max Collins, at ang The World Between Us nina Tom, Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith ay malapit na rin ang airing this month sa GMA Telebabad.

Sa interview sa kanila sa Chika Minute ng 24 Oras, definitely ay out of the country ang balak nilang honeymoon. “Kasi ang tagal na rin naming hindi nakapag-travel together. Kaya we decided to go away naman, pero hindi pa this year, hopefully next year,” sabi ni Carla.

“Ako na ang bahala dun,” sagot naman ni Tom. “Ayaw kong mag-worry ka kaya ako na ang mag-aasikaso nun.  Checklist mo lang ang kailangan ko.”

At ayon sa mag-asawa, ready na rin silang magkaroon ng baby!

DINGDONG DANTES MARIAN RIVERA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with