Binibini puro panalo... Pinay beauty, wagi rin sa miss globe!

Wow, winner na naman ang Filipina beauty queen mula sa Batangas ng korona sa Miss Globe na ginanap sa Tirana, Albania

Yup, nakuha ng pambato ng bansa na si Maureen Montagne ang korona sa nasabing beauty pageant.

Hawak ng Binibining Pilipinas Charity Incorporated ang franchise sa bansa ng Miss Globe.

Nauna nang naipanalo ng Binibini candidate na si Cindy Obeñita ang Miss Intercontinental 2021 na ginanap naman sa Egypt.

Ahh, kung ang Binibini kaya ang may hawak sa Miss Universe-Philippines, maipanalo rin kaya natin ang nasabing korona?

Si Beatrice Luigi Gomez from Cebu ang lalaban sa Miss Universe sa Dec. 12 sa Israel.

SB19, palung-palo ang kanta sa billboard!

Wow, arangkada ang bagong kanta na Bazinga, ng Pinoy Pop group na SB19.

As of this writing nasa number 3 na ito sa Hot Trending Songs (powered by Twitter).

Sa article ng billboard.com nakalagay nga rito na mabilis ang galaw ng nasabing kanta ng SB19. “Among other tracks making moves on Hot Trending Songs, SB19’s latest single Bazinga climbed into the top five of the 24-hour chart following the Oct. 29 premiere of its official video. It also reached the top 10 of the seven-day live chart.”

Ang Bazinga ay kasabay ng pagdiriwang ng 3rd ng SB19, at sa nominasyon ng grupo sa 2021 MTV Europe Music Awards sa Nobyembre 15.

Show comments