Deborah at Susan, tutulungan ni Gretchen

Feel so sad, Salve. Hindi lang pala si Deborah Sun kundi si Susan Henson ang nasa malungkot na kalagayan ngayon. Si Deborah Sun ay tinutulungan ni Ara Mina at ilang kaibigan sa pagbayad ng bahay at pambili ng mga kailangan.

Si Susan Henson naman inaalagaan ni Pempe Rodrigo na awang-awa dahil nga sa kalagayan nito na mag-isa lang sa buhay at walang kasama. Imagine mo na isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz, naging ka-loveteam for a while ni Christopher de Leon at partner ng halos lahat ng action stars, heto ngayon at naghihirap sa buhay, all alone.

I suggest na sana si Susan Henson ang tulungan ni Gretchen Barretto, gawing adoptive ‘sister’ habang tinutulungang makabangon sa hirap. Baka sakaling may magawa para mabago ang buhay niya, mabigyan lang ng konting push ni Gretchen.

Ito ang pangarap ni Pempe Rodrigo para kay Susan Henson, ang makabangon sa hirap at makatayo muli.

Sana nga makaba­ngon sina Deborah at Susan. Ang hirap nang nakasanayan mo nang buhay pagkatapos kung kelan ka tumanda saka mababago ang lifestyle mo. Malungkot man na kahit ayaw mo sana na manghingi ng tulong pero kailangan mo para mabuhay.

How sad pero reality ito ng buhay. Please tulungan natin sina Deborah Sun at Susan Henson.

Mga troll, puno ng hinanakit

Parang nakakatawa na ang trolls sa Instagram ha. Feeling ko ang dami talagang jobless na walang magawa na galit na galit sa posting ko pero nakababad naman at basa nang basa ng IG. Kaloka pa na kung minsan paulit-ulit ang issue nila eh sinabi ko nang never ever ko isusulat ang idol nila. Para bang gusto nila, isulat ko uli, hah hah.

Ano ba iyan? Ayaw nila sa akin, ayaw nila posting ko, pero panay naman ang basa at comment nila. Parang wala silang ibang life o ginagawa kundi bantayan ako. Very funny, ‘di ba dapat ‘pag ayaw mo, iiwan mo, ‘di mo papansinin? Bakit para namang gusto nilang lagi akong binabantayan? When I say how old I am, hindi ‘yung para igalang nila ako, para lang malaman nila na kumpara sa edad nila, ang laki nang agwat ko, pero bakit ganun comprehension nila?

Dapat at my age medyo senile na ako, pero parang mas sharp pa nga ang utak ko sa kanila dahil naku punung-puno ng hatred ang brains nila kung meron nga, hah hah joke joke.

Get a life, don’t read me, ignore me. You do something better, para ‘di kayo ma-stress. Enjoy your life para umabot kayo sa edad ko, baka mamaya, dahil stressed kayo, magkasakit pa kayo. Ingatan n’yo ang life, isa lang iyan. Enjoy. Huwag pa-stress sa IG. Huwag masyadong emotional.

Show comments